Default Thumbnail

Alden tinupad ang pangarap na maging piloto

April 27, 2025 Vinia Vivar 77 views

Tinupad nga ni Alden Richards ang pangarap niyang maging piloto.

He recently enrolled sa Alpha Aviation Group, a pilot training school in Clark, Pampanga.

Ibinahagi ng Asia’s Multimedia Star ang mga larawan niya nang magtungo siya sa nasabing flight school para mag-enroll.

“Reaching new heights, one flight at a time,” caption ni Alden.

Kinumpirma niya ang ginawang pag-e-enroll sa kanyang Instagram Story.

Ni-reshare niya ang article ng GMA-7 online na may titulong “Did Alden Richards just enroll in a flight school?”

Sa ibaba ay sinagot ng aktor ang nasabing katanungan. “Yes po,” aniya.

Makikita rin sa kanyang IGS na nakaupo siya sa flight simulator at aniya sa caption, “first time landing an A320 via flight simulator.

Mapapanood din ang pagbisita niya sa Aerospace Museum ng Philippine Air Force as reported by TV5.

Aniya, “alam n’yo guys, bata pa lang ako, dream ko na talagang maging pilot, parang na-inherit ko siya sa genes ng dad ko. Kasi ‘yung dad ko before, hindi naman niya gustong mag-management course, eh.

Aniya, kung hindi siya naging artista ay baka piloto na siya ngayon at nagpapalipad na ng eroplano.

Makikita ngang nilibot ni Alden ang nasabing museum. Sey pa niya, gusto rin niyang maging austronaut.

“On top of that, gusto ko ring maging scientist kaya lang, may nakapagsabi sa akin na hindi ka raw pwedeng maging astronaut kung ‘di ka scientist. So, ang dami-daming kukuning course, baka tumanda na lang ako, hindi pa ako nakakatapos mag-aral,” tsika ni Alden.

AUTHOR PROFILE