Alden nasa New York, tahimik pa rin ang lovelife

May 15, 2022 Aster Amoyo 417 views

THIRTY-year-old Kapuso prized actor Alden Richards is currently in the Big Apple (New York City) for a much-needed rest.

“You definitely made me smile, NY,” post niya sa kanyang Instagram account.

Hindi malinaw kung nasimulan o tapos na gawin ng actor-host at entrepreneur ang kanyang first team-up with Bea Alonzo, ang Philippine adaptation ng K-drama series na “Start-Up” which aired for three months sa South Korea mula October – December 2020. Dahil pagkatapos ng serye ay saka naman nila sisimulan ni Bea ang pelikulang “Special Memory” na isa ring adaptation sa isang Japanese movie na meron ding Korean movie adaptation, ang “Moment to Remember”.

Marami ring fans ang nagtatanong kung babalik pa rin ba raw ang singer-actor sa kanyang hosting job sa “Eat Bulaga” dahil matagal-tagal na rin ito hindi napapanood sa nasabing noontime program.

Hanggang ngayon ay tamihik pa rin si Alden pagdating sa kanyang lovelife.

Mon

Mon1

Ang makulay na buhay ni Mon Tulfo

VETERAN multi-media journalist and controversial personality Ramon `Mon’ Tulfo admits na sa Times Journal umano siya nagsimulang magsulat ng kanyang column but moved to other news papers tulad ng Philippine Daily Inquirer, Philippine Star and now with Manila Times.

Back in 1969 ay nagsimula umano siyang maging disc jockey (DJ) sa isang FM radio station pero tumagal lamang ito ng siyam na buwan. Just like his late father na isang retired colonel ng Philippine Constabulary (PC), gusto rin noon ni Mon na maging isang sundalo at maging bahagi ng Philippine Military Academy pero dahil mahina umano siya sa Math ay hindi siya nakapasa kaya napunta siya sa ibang field. Although he’s a college undergraduate, he became popular as a hard-hitting media columnist kaya parang `normal’ na lamang sa kanya ang iba’t ibang libel cases na isinasampa laban sa kanya ng iba’t ibang personalidad. Bukod sa libel cases, nariyan din ang pagbabanta sa kanyang buhay.

Kilala si Mon sa pagiging matapang at wala itong kinatatakutan laluna kung alam niyang siya’y nasa katwiran at totoo ang kanyang sinusulat at sinasabi. He stands on his own principles and conviction regardless of the consequences.

“Most of my libel cases are dismissed,” aniya. “Ang hassle lang ay ang pagpunta-punta sa korte. Nakakapagod din,” pag-amin pa niya.

“Right now, tinatanong ko ang aking sarili na `is it worth it? laluna at my age now,” dugtong pa niya.

Aminado ang veteran journalist na may pagkakataon umanong nagkakamali siya pero marunong umano siyang tumanggap ng kanyang pagkakamali at humihingi siya ng tawad sa tao o mga taong kanyang `nasaktan’ sa pamamagitan ng kanyang column.

It was in 1991 nang simulan ni Mon ang kanyang public service program na “Isumbong Mo Kay Tulfo” na tumutulong sa mga taong inaapi at sinasaktan. The program won for Mon his first “Best in Investigative ReportingIn in 19991 mjla sa Catholic Mass Media Awards. It also gave him two awards as “Best Public Service Host” and “Best Public Servoce Program” in 1998 mula sa ika-12th Star Awards for Television.

Ang “Isumbong Mo kay Tulfo” ay naging catchphrase in Philippine society which inspired his younger brother Raffy Tulfo to do the same sa pamamagitan ng kanyang “Raffy Tulfo In Action” which also catapulted him to fame hindi lamang sa radio at telebisyon kundi maging sa kanyang YouTube channel with over 23M subscribers. Ang dalawa pang younger brother ni Mon na sina Ben at Erwin ay sumunod din sa kanya tulad ni Raffy who ranked #3 sa 12 senador na nahalal nung nakaraang halalan 2022.

Raffy is the only sibling of Mon na pumasok sa larangan ng pulitika.

Si Mon ay panganay sa sampung magkakapatid, seven boys and three girls at isa na rito si Wanda Tulfo-Teo na nanilbihang Department of Tourism Secretary sa panahon ni Pres. Rodrigo Duterte.

Sa sampung magkakapatid, tanging sina Mon at Wanda lamang ang naiwan sa Pilipinas at ang walo nilang kapatid ay lahat namirmihan sa Amerika. Pero sa kalaunan, bumalik ng Pilipinas sina Ben, Raffy at Erwin na naging sundalo noon sa U.S. Army at magiging miyembro rin sana ng San Francisco Police Department kung hindi ito umuwi ng Pilipinas. Ben had his boutique business in the US when he decided to return to the Philippines habang si Raffy naman ay may dalawang pizza parlor in Oakland na dalawang beses na-hold-up which prompted him to give-up the business and packed his things to return to the Philippines.

Mon helped sent his younger siblings to school including Ben and Erwin. The rest of their siblings are still in the US up to now.

If their late father was a military man, ang kanilang ina (now 95) ay isang Japanese national. She was among the prisoner of war during World War II at dito siya nakilala ng kanilang ama na isang sundalo.

Mon admits na nasanay umano silang pitong lalakeng magkakapatid na pinapalo at linalatigo ng kanilang mga magulang. But their parents spared their three sisters. It was their way of disciplining him and his six younger brothers kapag may nagagawa umano silang pagkakamali especially him (Mon) na siyang pinaka-makulit at pasaway sa kanilang magkakapatid.

“We became all tough dahil du’n,” pag-amin ni Mon.

Pero ang kaibahan, when they became parents, never umano nilang sinaktan ang kanilang mga anak kundi pinagsasabihan lamang kapag may nagagawang pagkakamali.

Ang impression kay Mon maging sa iba niyang mga kapatid ay suplado, matapang at mahirap lapitan. Hindi rin umano ito pala-ngiti kaya marami ang takot lumapit sa kanya.

“On the contrary, mabait at generous akong tao at palabiro laluna sa mga green jokes,” pag-amin pa niya.

Mon has his own foundation na patuloy na tumutulong sa mga taong nangangailangan. He also admits na meron siyang psychic power na hindi lamang niya ganoong dini-develop dahil nagkakatotoo lahat ng kanyang nararamdaman kahit hindi niya nakikita at kasama na rito ang super-typhoon Yolanda na kumitil ng napakaraming buhjay.

One of the most colorful and celebrated journalists in the Philippines, Mon was reappointed by outgoing President Rodrigo Duterte as Special Envoy to China without salary kaya malabo siyang maakusahang corrupt.

Nang tanungin namin si Mon kung sinu-sino sa kanilang magkakapatid ang babaero, agad nitong itinuro sina Raffy at Erwin Tulfo.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE