
Alden itinanggi ang nag-viral na pahayag laban kay Daniel
Nagbigay ng babala si Alden Richards sa publiko tungkol sa fake news na kumakalat sa social media.
Matatandaan na nag-viral kamakailan ang diumano’y statement ni Alden patungkol sa ex-boyfriend ni Kathryn Bernardo na si Daniel Padilla.
Ayon sa aktor, never siyang nag-comment ng mga hindi magandang salita sa isang tao lalo pa nga’t hindi niya ito nakakasama
“Kahit kailan po hindi po ako magko-comment ng kahit anong defamatory words to someone na hindi ko naman masyado nakakasama,” pahayag ni Alden sa panayam ng 24 Oras.
Aniya pa, “Wala naman akong karapatan na manghusga sa taong tinutukoy doon sa fake tweets na kumakalat.”
Kaya naman pinag-iingat niya ang publiko na huwag basta-basta maniniwala sa mga maling balita at fake tweet.
“Ingat lang po tayo sa fake news dahil ang social media po ay pugad ng fake news, so not until ‘yung mga official accounts po ng mga artista ang nag-post ng tweets na kumakalat diumano, eh, ‘wag po natin agad paniwalaan at mag-fact check po muna tayo bago tayo mag-call out ng judgment,” he said.
Kamakailan ay hinirang si Alden na Box-Office King sa 52nd Box Office Entertainment Awards.
Timing na mismong Mother’s Day ginanap ang awarding ceremony kaya inalay ng aktor ang kanyang tropeo sa namayapang ina.
“Everything that I do naman is for her, this is for my mom, alam naman niya ‘yun, alam ng nakararami ‘yun,” aniya.
Nagbigay din siya ng payo sa lahat na mahalin ang magulang lalo na nga ang ating mga ina.
“Siyempre ang mensahe ko lang din talaga to everyone is never take our parents for granted most especially our mothers kasi one way or another, you’ll never know when will be the last time we’ll be with them so make the most out of it,” mensahe ng Asia’s Multimedia Star.