Alden

Alden instant faney ng SB19

March 23, 2025 Vinia Vivar 209 views

Mistulang naging fan si Alden Richards nang i-post niya ang larawan niya kasama ang phenomenal Pinoy pop group na SB19 sa kanyang Instagram Story.

Kuha ang larawan sa backstage ng star-studded fashion event ng isang kilalang apparel brand na ginanap last Friday night, March 21.

Nagkita si Alden at ang SB19 members na sina Pablo, Stell, Ken, Josh at Justin sa nasabing event kaya naman nagpakuha sila ng picture na ipinost ng aktor with matching papuri sa tinaguriang “P-pop Kings.”

“Sobrang humble at down to earth! Deserved ang success brothers,” caption ng aktor patungkol sa SB19.

Si Alden ang nagbukas ng nasabing fashion event wearing a denim jumper and white tank top. Later ay ibinaba niya ang kanyang jumper half-way at tinanggal ang sando revealing his toned physique. Dahil dito ay nag-trending ang aktor sa X.

Rumampa rin ang SB19 at nag-perform ng kanilang latest single na “DAM.”

AUTHOR PROFILE