Albie1

ALBIE IPINANGALANDAKAN ANG ANAK SA SOCMED

June 12, 2024 Vinia Vivar 124 views

Finally ay ipinakilala na ni Albie Casiño sa publiko ang kanyang baby boy, anak niya sa non-showbiz girlfriend na si Michelina.

Nitong June 11 ng gabi ay nag-post ang aktor ng isang video kung saan ay makikitang sinundo siya ng kanyang mag-ina paglapag niya sa San Francisco International Airport.

Mapapanood nga sa video na napatalon pa si Albie sa tuwa nang makita ang kanyang mag-ina at agad niyang niyakap at hinalikan ang girlfriend na karga-karga ang kanilang baby boy.

Sa caption, sinabi niya na finally ay nagkita na sila ng kanyang anak na si Roman Andrew.

“A great man told me ‘being a dad has no days off and retirement’ I wouldn’t have it any other way. I finally got to meet my son. Hello Roman Andrew the world is yours little man,” Albie wrote.

Ang sumunod na post ng aktor ay larawan niya na na nasa bahay na siya at katabi niyag natutulog ang kanyang baby.

Sa kanyang Instagram Story naman ay ibinahagi ni Albie ang screenshot ng palitan nila ng mensahe ni Darren Espanto nang manganak si Michelina last April 28.

Obviously, isa si Darren sa mga unang nakaalam na daddy na si Albie.

Sa convo nila ay sinasabi ni Albie na pumutok na ang panubigan ni Michelina.

“Baby Ahia is coming,” sey ni Albie kay Darren.

Nagpahayag naman ng pagbati si Darren. Aniya. “AAAAH CONGRATS, AHIA!!!!”

“Ahia” ang tawag sa karakter ni Albie sa seryeng Can’t Buy Me Love na ang ibig sabihin ay “kuya.”

Sunud-sunod din ang post ni Albie sa IGS ng mga video and photo ng moments nila together ng kanyang anak.

Makikita sa isang video na karga niya ang anak at pinapatulog. Obvious sa aktor na masayang-masaya siya and excited sa bagong kabanata na ito ng kanyang buhay.

Dumagsa naman sa comment section ang pagbati sa kanya ng mga kapwa-celebrities kabilang na ang mga kasamahan sa Can’t Buy Me Love na sina Darren, Ruffa Gutierrez, Chie Filomeno, Kaila Estrada at Agot Isidro.

“WE CAN FINALLY TALK ABOUT IT PUBLICLY HAHAHA!” komento ni Darren.

Sey naman ni Ruffa, “Congratulations!! not a secret anymore, Ahia!!”

“Can’t wait to meet my apo!”” sabi naman ni Agot.

“FINALLY!!” ani Chie naman.

Nagpahayag din ng pagbati sina Alexa Ilacad, Rodjun Cruz, Denise Laurel, Rita Daniela, Diego Loyzaga at marami pang iba.

Matatandaan na inamin ni Albie ang relasyon nila ni Michelina sa social media noong May, 2023 after a year of being together.

AUTHOR PROFILE