Magi

Aktibong lumahok sa proseso ng halalan

April 12, 2025 Magi Gunigundo 157 views

“Isa sa mga parusa mo sa pagtangging lumahok sa pulitikaay mas mapurol ang utak at kakayahan ng magpapasyapara sa iyong kapakanan at ng pamayanan na bahagi ka.”- Plato

MARAMING tao, lalo na iyong mga aktibo sa simbahan katoliko o protestante, ang umiiwas sa pulitika na tinuturing nilang marumi, mapanganib, at hitik sa kasinungalingan at panlilinlang. Ayaw nilang mabawasan ang kanilang kabanalan at masaktan sa pagtataksil ng pinagkatiwalaan. Ang negatibong pananaw na ito ay sumasang-ayon sa sinabi ni Henry Adams na,” ang politika ay sistematikong organisasyon ng pagkamuhiat poot,” at umiikot lang ito sa gobyerno, lokal at nasyonal. Sumasang-ayon tayo sa mga dalubhasa sa agham pampulitika na namamahay sa lahat ng relasyong panlipunan ang pulitika,gaano man kaliit ang grupo o lipunan. Samakatuwid ,sa pagdating lang ni Friday nagkaroon ng pulitika sa Más a Tierra( Isla ng kawalan ng pag-asa) kung saan napadpad at nakatirangmag-isa si Robinson Crusoe. Basta may dalawa o higit pang taoang nag-uugnayan, may politika dito na kailangan lahukan.

Pinaliwanag ni David Easton na ang pulitika ay makapangyarihang paglalaan ng mga benepisyo at pagkakataon na pinahahalagahan o ninanais ng mga tao sapagkat palaging kakaunti at hindi pantay na na papamahagi ang mga pinahahalagahang kayamanan, kaginhawaan, katayuan,posisyon, at iba pa. Itinuturo ni Harold Lasswell na ang pulitika ay laging may kinalaman sa “sino ang
nakakakuha ng ano, kailan at paano sa lipunan.” Nakikita ni Lasswell ang pulitika bilang pamamahagi ng magagandang bagay sa buhay n apinahahalagahan at ninanais ng mga tao.

Sinabi nila Robert at Doreen Jackson (1997) na ang pulitika ay isang aktibidad kung saan ang mga naglalaban anginteres ay pinagkakasundo at ang mga pagkakaiba ay ipinahayagat isinasaalang-alang. Sa pamamagitan ng pulitika, ang kolektibong kapakanan ay dapat na isulong at ang kaligtasan ng komunidad ay protektado.

Ang makitid na pagkaintindi ng kahulugan ng pulitika ng mga ordinaryong mamamayan ay isa marahil sa mga dahilan bakit sa mga nagdaang halalan mula 2004 hanggang 2022, ang porsiyento ng mga botante na bumuboto sa araw ng halalan ay nasa pinápatakáng porsiyento lang na 73.35% (International Foundation for Electoral Systems). Ang nagpapataas ng porsiyentong ito ay ang sigasig ng mga babaeng botante na mas masipag bumoto kesa sa mga lalakeng botante.

Bagamat hangad ng isang demokrasyang konstitusyonal na bumoto ang lahat, walang saysay ang pagboto sa halalan kung ang proseso ng pag-iisip na gagamitin ng mga botante ay limitado sa mababaw, walang kuwenta at makamundong mga salik na minamanipula ang emosyon tulad ng estetika ng kandidato, ang galing sa pagkanta, pagsayaw o pagpapatawa ng kandidato, ang pagiging galante ng kandidato sa pera at ayudang kinahuhumalingan sa ngayon. Ang ganitong uri ng pagtasá ng kandidato na tinatambalan ng kultura ng utang na loob na tinuturing na masamang ugali ang hindi pagtanaw sa kabutihan tanggap mula sa mga kandidatong bahagi ng dinastiyang politikal na ganid sa kapangyarihan ang dahilan bakit hindi makaalpas ang Pilipinas sa kahirapan.

Bilang mga homosapien (taong nag-iisip), hindi langemosyon, bagkus isip ang gamitin sa pagsukat ng ideyolohiya(kung mayroon man) , kakayahan tumupad sa pangako at kwalipikasyon ng mga kandidato sa puwestong tinatakbuhannila. Hindi maaaring isa lang ang panukatan sa pagpili ng kandidatong tumatakbo bilang kagawad sa mga tumatakbobilang Konsehal, Mayor, Gobernador, Kongresista, Senador at Presidente. Huwag aksayahin ang karapatang bumoto gamit ang isang baluktot na proseso ng pagpili ng kandidato sapagkatkapakanan ng iyong mga mahal sa buhay ang mapapasama sapagbotong pina-iral ang kaungasan.

Ating dinggin ang babala ni Plato sa hindi pakikialam sapolitika na umiiral sa loob ng dalawa o higit pang bilang ng tao. Nasa iyong kamay ang kapangyarihan pumili ng pinuno namagpapasya sa mga desisyong makakaaapekto sa buhay ng mgamiyembro ng pamilya, pulutong o pangkat sa loob ng fellowshipo simbahan at sosyo-sibikong organisasyon,kooperatiba, korporasyon, sosyo, atbp. Kung ayaw mong pamahalaan ka ng mas ungas sa iyo, aktibong makialam at lumahok sa proseso ng halalan.

AUTHOR PROFILE