
Akit na akit
HULING HULI sa akto si Miss Grand International 2022 5th Runner Up Roberta Tamondong na nagpapasabog ng matinding kaseksihan sa kanyang latest upload!
Suot ang black bikini, todo-awra ang beauty queen habang nagliliyab sa kagandahan at katingkaran. Naughty pero classy, fierce pero swabe — walang mintis sa pang-aakit!
Sa kanyang caption na “catch my vibe,” mukhang hindi lang vibe ang nahuli niya, kundi pati hininga ng netizens! Parang gusto nilang mahulog sa patibong ng kanyang alindog!
Puro papuri ang bumaha sa comment section! “Why are you so perfect?” ang tanong ng isang nahipnotismo. Isa namang matindi ang tama, napaamin nang todo: “Grabe naman ‘to… napaka-hot at yummy… akit na akit ako!”