Aila Larawan mula sa IG/@ailacruzofficial

Aila ibinuyangyang ang bulaklak

January 17, 2024 People's Tonight 473 views

NAKABIBIGHANI ang dalang alindog ng Vivamax actress na si Aila Cruz.

Sa isang Instagram post ng sexy star nitong Martes, January 16, ibinahagi niya ang ilang larawan ng kanyang naging sea vacation.

Namukadkad ang taglay niyang ganda at kaseksihan sa suot-suot nitong bulaklaking two-piece swimsuit habang enjoy na enjoy sa kanyang naging trip sa isang dagat.

Makikita sa nasabing post ang masayang-masayang mukha ni Aila habang mapang-akit naman ang ibinubugang sex appeal ng kanyang katawan.

“Sea la vie,” sey ng hot star sa caption ng kanyang post na ang ibig sabihin ay “sea life” sa wikang Ingles.

Nakilala si Aila sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Torn Heaven (2023), Sip (2023) at Working Boys 2: Choose Your Papa (2023).

AUTHOR PROFILE