
Aga, nadale ng Covid — Lolit
May mga sintomas ngayon ng COVID-19 si Aga Muhlach, ayon sa talent manager/entertainment columnist na si Lolit Solis.
“Talagang kahit stars hindi nakaligtas sa covid. Kahit kasi umiwas sila tiyak na lalapitan sila ng tao, at hindi mo na ma control ang mga taong lalapit at humahalik sa kanila.
“Una si Bong Revilla na dalawang beses ng na down dahil sa sama ng pakiramdam. Ngayon naman si Aga Muhlach na meron din sign ng covid,” sey ni Nay Lolit sa Instagram.
“Talagang mas malapit sa sakit ang mga stars dahil nga sa hindi sila maka iwas sa crowd. Naku talagang isang magandang nagawa nitong covid iyon nasanay tayong gumamit ng mask,” patuloy pa niya.
Hindi na sinabi ni Nay Lolit kung saan maaaring nakuha ni Aga ang virus at wala rin namang post pa ang aktor tungkol dito.
Pero ang huling kita namin sa kanya ay noong grand double celebration ng 50th showbiz anniversary and 57th birthday ni Sen. Bong Revilla.
Matatandaang nadale na rin ng COVID-19 si Aga at ang misis niyang si Charlene Gonzalez habang nasa US last year.