Acidre

Acidre: Mga botante dapat maging mapanuri

April 4, 2025 Ryan Ponce Pacpaco 92 views

NANAWAGAN si House Committee on Overseas Workers Affairs Chairman Jude Acidre at Tingog Party-list congressman ngayong Biyernes sa mga botante ng Pasig na huwag iboto ang kandidato pagka-kongresista na si Christian “Ian” Sia na nagsabi sa isang campaign rally na pwedeng sumiping sa kanya isang beses kada taon kung may regla pa ang mga ito.

Ayon kay Acidre, isang House Assistant Majority Leader, kailangan maging mapanuri ang mga botante sa kanilang mga pipiliin at huwag iboboto ang mga indibidwal na walang paggalang.

“Hindi man ho ako botante sa Pasig eh ‘wag ho nating iboto ‘yung mga ganitong klaseng politiko. Yung bastos. ‘Yung walang paggalang sa babae,” sabi ni Acidr3 sa mga mamamahayag sa isang pulong balitaan sa pamamagitan ng Zoom.

“Well definitely, there should be consequences for things like this,” ani Acidre na binigyang diin na isa itong seryosong isyu.

Tinukoy pa ni Acidre ang lenguahe ni Sia, “Clearly the language alone, the fact na sinabi niya for me is already offensive sa ating mga kababaihan.”

Hindi rin aniya dapat binalawela ang naturang isyu lalo na ngayong panahon ng eleksyon.

Giit pa niya na hindi dapat hayaan na maging normal ang ganitong pananalita at pag-uugali

“It’s time that we do not normalize this, even jokes, so we do not normalize this language and these actions,” dagdag ni Acidre na nanawagan din para sa mas mataas na antas ng dikurso.

“Sa tingin natin eh hindi po nararapat na aayon sa panahon ng eleksyon lalong-lalo. O kahit hindi ho panahon ng eleksyon.”

Naglabas ng show cause order ang Commission on Elections bilang bahagi ng patas na pangangampanya at maiwasan ang diskriminasyon ngaying eleksyon.

Binigyan ng poll body ng pitumput dalawang oras si Sia para tumugon at maaari mauwi sa paghahain ng kaso ang pagkabigo na sumagot.

“Tama lang ho na bigyan ng karampatang parusa kung meron man ang ating, ito itong kandidatong ito,” ani Acidre

Binigyang-diin din ni Acidre ang mas malawak na implikasyon ng walang kabuluhang pahayag ukol sa panggagahasa at sexual innuendo ay hindi katanggap-tanggap

“Hindi po pwedeng to take lightly no, ang mga issues ng katulad ng rape katulad ng sexual innuendoes,” sabi pa ni Acidre.

AUTHOR PROFILE