Default Thumbnail

Achievements ng BOC, kinilala ng WCO!

November 1, 2023 Vic Reyes 403 views

Vic ReyesHINDI na lang pang-local, national o regional kundi pang-international na ang dating ng Bureau of Customs (BOC) kung ang pag-uusapan ay kalidad ng government service sa aduana.

Ang maganda nito, hindi tayo ang bumuhat sa sarili nating bangko kundi ang highly-influential at prestigious na World Customs Organization (WCO).

Mismong ang WCO ang siyang kumilala sa maraming achievements ng government agency nating BOC, ” in fostering professionalism and excellence among its personnel.”

Ang mga ginagawa ng “vital government office” na ito ay nagre-resulta sa “significant achievements in trade facilitation and customs performance,” ayon sa WCO.

Sa 69th issue ng Asia/Pacific Customs News, kinilala ng organisasyon ang “outstanding leadership” in Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio, isang taga- Batac City, Ilocos Norte.

Sa artikulo, nakasaad ang Rubio’s brand of leadership “has revitalized the BOC workforce, prioritized employee development and consistently driven enhancement in performance.”

In the 2023 Logistics Performance Index (LPI), umangat sa ika-17 ang puwesto ng Pilipinas mula 43 “out of 139 countries in trade facilitation and customs performance.”

Sa United Nations global survey on digital and sustainable trade facilitation naman ay nasa pangalawang puwesto na ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations.

Hndi naman pinababayaan ni Commissioner Rubio ang kapakanan ng mga opisyal at tauhan ng BOC.

Ito ay bahagi ng programa ng ahensya na lalo pang mapaganda ang “overall quality of work” sa dating tinatawag na “snake-infested waterfront” sa Manila.

Dagdag ni Commissioner Rubio: “Our employees will propel the bureau’s essential programs, including our modernization efforts. Ongoing workplace reforms aim to optimize their performance.”

Ang mga repormang ito ay naglalayon ring i-uphold ang mga prinsipyo ng “transparency and integrity.”

Huwag natin kalimutan na nasa pang 16th month pa lang ang “crusading administration” ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.

Kitang-kita na ng mamamayan ang pamumunga ng mga ini-implement na “drastic changes” na naglalayong lalong mapabuti pa ang government service sa aduana.

Tama ba, mga kabayan?

***

Tuloy pa rin ang ginagawang inspeksyon ng Bureau of Customs (BOC) sa mga bodegang pinaghihinalaang naglalaman ng mga hoarded at smuggled products.

Noong nakaraang Biyernes, isang warehouse ang nadiskubre ng mga operatiba ng BOC na naglalaman ng e-cigarettes at vapes na hinihinalang hindi ipinagbayad ng tamang duties at taxes.

Ang bodega na naglalaman ng mga produktong nagkakahalaga ng P1.43 bilyon ay sa 18 Bagong Filipino Industrial Compound, M. Gregorio St., Canumay West, Valenzuela City.

Nakita sa loob ng warehouse ang 14,000 boxes na naglalaman ng 1.4 pirasong 10-ml disposable vapes na may markang “FLAVA.”

Inenspeksyon ng mga operatiba ang nasabing warehouse sa bisa ng isang Letter of Authority (LOA) na inisyu ni Customs Commissioner Bievenido Y. Rubio.

Bago nito ay nakatanggap ng report ang Customs Intelligence and Investigation Service na ang nasabing bodega ay ginagamit na imbakan ng e-cigarettes at vape products.

“We’re not just here to stop the illegal entry of these kinds of products because of the taxes we’re losing, but…to intercept products that could pose a serious health risk to consumers,” ayon kay Depcom Juvymax Uy.

Kaisa niyo ang taumbayan diyan!

***

Mabuti naman at generally peaceful ang ginanap na 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ang problema lang, marami pa rin ang kaso ng vote-buying at vote-selling sa iba’t-ibang parte ng bansa.

Mahirap yatang patigilin ang mga kalokohan ng iba nating kababayan dahil ma rin siguro sa nararanasang kahirapan sa bansa bunga sa kawalan ng magandang trabaho.

Ang maganda siguro ay ituro na sa elementarya pa lang ang “maraming evils” ng vote-buying at vote-selling .

Pabigatin pa siguro ang parusa sa mga politikong namimili ng boto tuwing may eleksyon sa bansa.

Kung hindi, baka lahat na lang ng mga lokal na lingkod-bayan ay mga produkto ng “vote-buying.”

Mag-isip-isip tayo mga kababayan!

(Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-text sa #0917-8624484/email: [email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE