Bataan Nag-umpisa na noong Abril 28 ang mga miyembro ng Bataan Police Provincial Office (PPO), sa pangunguna ni P/Col. Marites Salvadora (kanan), hepe ng pulis, ng absentee voting. Kuha ni Christian Supnad

Absentee voting sa mga parak-Bataan simula na

April 28, 2025 Christian D. Supnad 58 views

CAMP TOLENTINO, Bataan–Nag-umpisa na noong Lunes ang absentee voting para sa mga miyembro ng Bataan Police Provincial Office sa pangunguna ni P/Col. Marites Salvadora, hepe ng pulis.

Tatlong araw ang local absentee voting sa Abril 28-30 mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon sa post conference room sa Camp Tolentino, Balanga City, Bataan. Nasa 59 pulis ang boboto, ayon sa report.

“The Bataan PNP remains steadfast in its commitment to ensuring that every personnel can exercise their right to vote, reinforcing its dedication to both public service and democratic participation,” sabi ng hepe ng pulisya.