DILG

ABS-CBN at DILG, sanib-pwersa sa kampanya kontra droga

November 1, 2023 Ian F. Fariñas 379 views

Nilagdaan kamakailan ng ABS-CBN at ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang partnership deal para mas palakasin pa ang anti-illegal drugs advocacy campaign ng gobyerno na Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) program.

Sa memorandum of agreement signing event, sinabi ni DILG Sec. Benjamin “Benhur” Abalos Jr. na maraming manonood ang naaabot ng ABS-CBN at ng impluwensya ng Kapamilya artists.

“Ang tina-target ng droga ay mga bata at may mga role model sila… Kung ang bata ay babaguhin ang lifestyle at attitude to be healthy, malaking bagay. Dito papasok ‘yung tinatawag na role modeling. Alam natin na ang ABS-CBN ay talagang sikat po sila rito. Marami kayong mga artist na talagang role models of our youth. Malaking bagay po ito kaya nagpapasalamat kami sa ABS-CBN for this memo signing po,” sabi ni Sec. Abalos.

Nagsilbing kinatawan ng ABS-CBN sa paglagda ng MOA sina ABS-CBN Chairman Mark Lopez, President and CEO Carlo Katigbak at COO of Broadcast Cory Vidanes.

Naging saksi rin ang DILG undersecretaries at iba pang opisyales sa naturang MOA signing.

Nagsimula noong 2017 ang kampanya ng ABS-CBN laban sa droga kasama ang mga piling artista ng Star Magic na nagpapataas ng kamalayan sa publiko tungkol sa masasamang epekto ng ilegal na droga.

AUTHOR PROFILE