Abrahano PNP AVSEGROUP Director PBGen. Christopher N. Abrahano

Abrahano pinuri collab effort para matiklo suspek sa NAIA

July 10, 2024 People's Tonight 293 views

NAUNSYAMI ang pagalis ng Pilipinas ang isang lalake na byahe sanang Hongkong matapos itong maaresto ng pinagsanib na pwersa ng mva otoridad mula sa NAIA Police Station 3 (NAIA PS 3), MIAA Airport Police Department (APD), at Pasay City Police Station Sub-Station 9 (Villamor). nitong Hulyo 9, 2024. sa NAIA Terminal 3, Pasay City.

Ayon sa report, si Jeremias Bonita, 37, na pasahero ay napag-alaman na may outstanding warrant of arrest na inisyu ng Taguig City Regional Trial Court Branch 69.

Ito ay bunsod ng paglabag sa Republic Act 9262, o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004.

Ang naturang warrant ay may bail bond na nagkakahalaga ng P24,000.00.

Agad pinuri ni PNP AVSEGROUP Director PBGen. Christopher N. Abrahano ang collaborative effort na nag-resulta sa matagumpay na pagkakasabat at pag aresto ng nasabing indibidwal.

Kinilala din ni PBGen Abrahano ang PNP AVSEGROUP, MIAA APD, at Pasay City Police Station para mapigilan ang mga katurlad na individwal na makatakas sa mga pag kakautang ng mga ito sa batas. Ni JOSEPH MUEGO

AUTHOR PROFILE