
Ang totoong love story nina Sen. Manny at Jinkee Pacquiao
SA aming exclusive na panayam sa mag-asawang Sen. Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao para sa aming online show, ang “TicTALK with Aster Amoyo”, inamin ng celebrity couple na nasa sentro ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa ang Diyos kaya hanggang ngayon ay buo pa rin ang kanilang pamilya sa kabila ng mga pinagdaanan nilang mga pagsubok.
It was on February 27, 1999 nang official na maging magkasintahan sina Manny at Jinkee at nagpakasal sa isang civil rite nung August 1999 pero ang kanilang church wedding ay naganap nung May 10, 2000 when they were both 19 years old.
Inamin ng boxing hero and icon na bago niya nakilala ang kanyang misis ay engaged na umano siya noon sa iba. Sobrang umano niya itong iniyakan lalupa’t wala silang formal break-up ng babae.
Napagbintangan lamang siya umano na may ibang babae matapos makita siya sa isang mall in General Santos City na nakaakbay sa kanyang kapatid na babae. Ito umano ang eksenang nakita ng tiyahin ng kanyang fiancée na siyang nagpaabot ng maling balita. Dahil dito, inaway umano siya ng kanyang ex-fiancee hanggang sa ito’y mauwi sa tuluyang paghihiwalay.
Gustong-gusto ng pamilya ni Manny ang kanyang ex-fiancee laluna ng kanyang na si Mommy Di (Dionisia) na nalungkot nang hindi magkatuluyan ang dalawa.
Inamin ni Manny na sobra umano siyang devastated sa pagkasira ng relasyon nila ng kanyang ex-fiancee and there was even a time na galit siya sa mga babae.
Ang tiyuhin ni Jinkee ang nagpakilala sa kanila ni Manny. Wala raw siyang balak na ito’y ligawan kundi bilang kaibigan lamang. Masama pa umano ang loob niya noon sa pagkasira ng relasyon nila ng kanyang ex-fiancee na mahal na mahal niya. Although lumalabas na noon sina Manny at Jinkee blang magkaibigan, parati umano silang may ibang kasama.
Minsan, nakalimutan ni Jinkee dalhin ang kanyang kamera na kailangan nila at that time. Nag-volunteer si Manny na ito’y kunin kasama si Jinkee sa boarding house ng huli. It was their first time na silang dalawa lamang ang magkasama sa sasakyan ni Manny.
On their way to the boarding house ni Jinkee, nagtapat ang People’s Champ ng may nararamdaman na siya kay Jinkee. On their way back from the boarding house, sinagot na siya ni Jinkee and that was February 27, 1999, making that day their official date bilang magkasintahan.
Nang malaman ng ex-fiancee ni Manny na may kapalit na siya ay gumawa naman ito ng paraan na mabawi si Manny sa pamamagitan ng isang emissary. Pero hindi siya mismo ang nag-reach out kay Manny. Umasa rin ang mommy at mga kapatid ni Manny na babalikan ni Pacman ang kanyang dating nobya na hindi na nito ginawa dahil bukod sa galit siya sa kanyang ex-fiancee, nahulog na umano ang kanyang loob kay Jinkee.
Sa civil wedding nina Manny at Jinkee, hindi sumipot si Mommy Di at mga kapatid ng boxer-politician dahil hindi sila boto rito for him. Pero naroon ang ama ni Manny na si Rosalio Pacquiao.
But during their church wedding on May 10, 2000, kumpleto na ang pamilya ni Manny at doon lamang nila unti-unting natanggap si Jinkee.
Ang ex-fiancee naman ni Manny ay hindi na nag-asawa nang ma-call off ang kanilang engagement at mag-asawa ng iba ang People’s Champ. Pero sa kabila nito, in one of his fights sa Amerika ay inimbitahan niya ang kanyang ex-fiancee at ina nito with the permission of Jinkee.
Couple Manny and Jinkee will be celebrating their 22nd wedding anniversary sa darating na May 10. They are blessed with five children na sina Jimuel, Michael, Princess, Queenie at Israel.
Although pinasok na rin ni Jimuel ang showbiz, ito rin ang sumusunod sa yapak ni Manny bilang boxer sa kabila ng pag-discourage ng kanyang parents. Sa unang amateur boxing bout ni Jimuel sa Amerika recently ay nanalo ito kaya walang magawa ang kanyang parents kundi ibigay na rin sa anak ang kanilang suporta.
Inamin ni Manny na nagkaroon umano siya ng iba’t ibang bisyo noon tulad ng babae, alak at sugal na naging sanhi ng muntikanan nilang paghihiwalay ni Jinkee, pero ito’y nasalba nang ibigay niya ang kanyang 100% commitment sa Diyos.
Naniniwala si Manny na may purpose ang Diyos kung bakit siya napunta sa boxing at sa pulitika dahil bukod sa kanyang pamilya, marami siyang natulungan at patuloy na natutulungan. Fifty percent ng kanyang kinita sa pagbu-boksing ay itinulong at itinutulong niya sa mga taong nangangailangan, Nakapagpatayo rin siya ng maraming libreng pabahay sa mahihirap at meron siyang 200 scholars na hanggang ngayon ay patuloy niyang tinutulungan.
Nakukuwestyon si Manny sa personal nitong pamamahagi ng cash sa mga tao sa kanyang mga kampanya na animo’y namimili ng boto.
“Sarili kong pera ang ipinamimigay ko sa mga tao. Kesa mamigay ako ng mga loot bags o mga pagkain, mas minabuti ko na pera na lamang ang ipamigay sa kanila nang direkta dahil bukod sa pagkain ay magagamit nila ito sa kanilang ibang pangangailangan,” paliwanag ng Presidentiable na si Sen. Manny Pacquiao na kilala sa pagiging generous kahit hindi pa ito pumapasok sa larangan ng pulitika.
Sophie at Vin pinplano na ang pagpapakasal
ANG engaged couple na sina Vin Abrenica (30) at Sophie Albert (31) ay parehong produkto ng reality-based talent search na “Artista Academy” ng TV5 nung 2012 at silang dalawa ang nanalo sa nasabing talent competition. The following year in 2013, they started dating until 2016 nang sila’y magkahiwalay only to reconcile three years later.
Bago ang “Artista Academy,” si Sophie ay naging bahagi ng Star Magic Batch 15 in 2007 pero hindi siya nagtagal dahil bukod sa hindi ito alam ng kanyang ina, bumalik siya sa kanyang pag-aaral.
Hindi rin alam ng kanyang mom nang siya’y sumali sa Artista Academy nung 2012. Since nakita ng kanyang ina pursigido talaga si Sophie na mag-showbiz ay hinayaan na niya ito.
Nung 2017, Sophie joined the roster of talents ng GMA Artists Center. Nung December 12, 2020, the couple got engaged but announced their engagement only before Valentine’s Day on February 2021 sabay ng kanilang pagbahagi na magkakaroon na sila ng baby. That same month ay nagsama na rin sa isang bubong ang engaged couple. They will plan out their wedding ngayong isang taon na ang kanilang baby.
Isinilang ni Sophie ang first baby nila ni Vin nung March 15, 2021 na si Aviana Celeste who turned one year last March 15.
Unknown to many, si Sophie ay pamangkin sa pinsan ng Queen of All Media na si Kris Aquino. Ang paternal grandmother ni Sophie na si Josephine Cojuangco ay kapatid ng yumaong dating Pangulo na si Corazon Cojuangco-Aquino.
Si Sophie ay bunso sa apat na magkakapatid. Nabago umano ang takbo ng kanilang buhay when her dad had a stroke in 2001 and never recovered since then pero ito umano ang naging dahilan kung bakit lalo silang naging close sa isa’t isa ng kanilang ina at mga kapatid.
Ang rason naman kung bakit ayaw ng mommy ni Sophie na siya’y mag-showbiz ay dahil mas gusto nito ang tahimik lamang na buhay.
Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me On Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@asteramoyo.