
Sue at Javi smooth-sailing sa dalawang taon
WALANG alinlangan na ang biggest role to date ng 25-year-old Fil-American singer-actress and celebrity endorser na si Sue Ramirez ay ang kanyang role na ginagampanan sa Philippine adaptation ng hit BBC TV series na “Doctor Forster,” ang “The Broken Marriage Vow” where she plays the role of Lexy, ang mistress ni David Ilustre played by Zanjoe Marudo. Si Jodi Sta. Maria naman ang gumaganap sa papel na Dr. Jill Ilustre, wife ni David at kaisa-isa nilang anak ang role na ginagampanan ni Zaijian Jaranilla.
Grateful si Sue because she gets to work with one of her idols na si Jodi na hindi lamang isang mahusay na aktres pero napaka-cool umanong katrabaho.
Sue is currently in a relationship with Javi Benitez, anak ng kilalang businessman, producer at dating politician na si Albee Benitez. Ang dalawa ay nagkakilala at naging malapit sa isa’t isa nang sila’y magsama at magtambal sa action movie na “Kid Alpha One” na dinirek ni Richard Somes at joint production ng Brightlight Productions (na nag-aari ng pamilya ni Javi) at ng Strawdog Studio.
Bago si Javi ay naging boyfriend ni Sue si Joao Constancio ng BoybandPH Manila na tumagal ng dalawang taon.
Nagsimulang kumalat ang balita na nagdi-date umano sina Sue at Javi in February 2020 na kinumpirma lamang ang relasyon sometime in August of same year.
Javi was then looking for a leading-lady sa pelikulang “Kid Alpha One” when somebody suggested to him the name of Sue. Dahil sa pagiging busy ng young singer-actress sa iba’t ibang proyekto, si Javi na mismo ang pumunta sa concert rehearsal ni Sue para lamang makita at makausap ito.
Smooth sailing ang relasyon ngayon nina Sue at Javi na ipinagpapasalamat ng young singer-actress.
Ronnie bunga ng pagsisikap ang tagumpay
ABOUT a year ago, naging biktima sa scam sa kanyang GCash account ang singer-actor, licensed pilot at 1st Lt. army reservist na si Ronnie Liang pagkatapos niyang ipagkatiwala ang kanyang private details sa kanyang GCash account sa isang nagpakilalang agent umano ng nasabing mobile wallet/payment app ng Globe. Dahil sa tiwala, libu-libong amount ang nawala sa kanyang GCash account at nagtira lamang ang scammer ng P8.97.
Si Ronnie na rin mismo ang nagbigay ng babala sa lahat na huwag magtiwala basta-basta laluna sa pagbibigay ng personal information sa mga nagpapanggap na agent umano
Speaking of Ronnie, isa siyang magandang ehemplo sa mga kabataan na hindi dahilan ang kahirapan para maabot ang inyong mga pangarap.
Si Ronnie ay bunso sa pitong magkakapatid at sumakabilang-buhay na ang kanyang ina. Para matapos ang pag-aaral sa kolehiyo, namasukan siya sa isang fast food chain at video shop in Angeles, Pampanga at siya na mismo ang nagpaaral sa sarili sa Holy Angel University in Angeles, Pampanga kung saan siya nagtapos ng BS Education major in Physics, Chemistry at Biology. Habang nag-aaral ay sinubukan din niyang gamitin ang kanyang talent sa pagkanta. Sumali siya sa “Pinoy Pop Superstar” maging ang “Pinoy Dream Academy” kung saan siya naging second runner-up. Dito na nag-iba ang takbo ng buhay ni Ronnie maging ng kanyang pamilya. Pero nagpatuloy siya sa pag-aaral at pag-abot pa ng iba niyang mga pangarap. Nag-aral siya ng pagiging isang piloto at isa na siyang licensed pilot ngayon at ipinagpapatuloy niya ang kanyang pag-aaral bilang isang commercial pilot at instructor training pilot sa Philippine Space and Aviation Academy. He’s also taking up his master’s degree in Management major in National Security and Administration sa Philippine Women’s University. He also got promoted to First Lt. bilang army reservist dahil na rin siguro sa pagiging aktibo niya bilang frontliner nung kasagsagan ng Covid-19 pandemic kung saan din siya tumanggap ng dalawang magkahiwalay na award.
Bukod sa kanyang ama na nabigyan niya ng sariling negosyo, natulungan din niya ang kanyang mga nakatatandang kapatid.,
At 37 at sa rami nang achievements na nagawa si Ronnie, puwede na itong bumuo ng sarili niyang pamilya.
Sa aming pagkakaalam, si Ronnie ay may US-based Filipina girlfriend na isang nurse.
Samantala, si Ronnie ay isa sa tumatayong JukeBosses or hurado sa “Sing Galing!” on TV5 na napapanood tuwing Lunes, Martes at Huwebes ng 6:30 p.m.
Si Ronnie ay nasa pangangalaga ng Viva Artists Agency (VAA). Bukod sa recording under Viva Records, siya’y isa ring actor. Ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa include “Abay Babes,” “Maria,” “Petmalu,” “Jowable” among others.
Sam at Essa kasal na
KASAL na ang radio and TV personality na si Sam YG (Samir Gogna) sa pageant executive and non-showbiz partner na si Essa Santos. The couple tied the knot last Saturday, March 12 sa St. Benedict Parish in Silang, Cavite at ang reception ay ginanap sa Los Arboles Events Place in Tagaytay.
Si Sam YG (37)ay naging isa rin sa mga host noon ng “Eat Bulaga” kung saan nakilala ang tag sa kanya na Shivaker.
Ariel balik-Kapuso
PAGKALIPAS ng limang taon, balik Kapuso ang singer-actor na si Ariel Rivera para sa bagong afternoon TV series na pinamagatang “The Fake Life” where she is paired for the very first time with Beauty Gonzalez.
Kasama rin sa nasabing serye sina Sid Lucero, Tetchie Agbayani, Will Ashley, Rina Reyes, Bryan Benedict, Jenny Miller, Faye Lorenzo at iba pa.
Tulad ng kanyang misis na si Gelli de Belen, freelancer din si Ariel kaya puwede itong magpalipat-lipat ng TV network.
Francine ayaw pang magpaligaw
KAPAMILYA young star Francine Diaz turned 18 last January 27 pero hindi pa umano siya handang magpaligaw dahil priority niya sa ngayon ang kanyang career at pagtulong sa pamilya.
Hinding-hindi umano niya makakalimutan ang struggle ng kanyang pamilya noon laluna nang mawalan ng trabaho ang kanyang OFW father at pito silang magkakapatid.
Naranasan ng pamilya ni Francine na magpalipat-lipat ng tirahan dahil wala silang pambayad ng renta at iba pang gastusin.
Sa tulong ng isang talent scout, si Francine ay nakagawa ng ilang commercials at ito rin ang kanyang naging pasaporte sa pagpasok sa showbiz. Ang kanyang kauna-unahang TV appearance ay sa “Pasion de Amor” in 2015 na sinundan ng “Be May Lady” in 2016. Kasunod na rito ang “Ikaw Lang Ang Iibigin” at “The Blood Sisters” in 2017. Pero ang Magic Wand ng suwerte ay kumaway kay Franchine nang mapasama siya sa hit afternoon TV series na “Kadenang Ginto” where she played the role of Cassie Mondragon. At sa nabbing programa rin nabuo ang loveteam nila ng young singer-actor na si Kyle Echarri maging ang Gold Squad na kinabibilangan din nina Andrea Brillantes at Seth Fedelin.
Pagkatapos ng “Kadenang Ginto” ay muling napanood ang apat sa inspirational TV series na “Huwag Kang Mangamba” nung isang taon.
Si Francine ay isa ring successful vlogger with 1.43M subscribers at meron din siyang upcoming TV series for iWant TFC, ang “Bola Bola” kung saan niya mga kabituin sina Albie Casino, KD Estrada, Akira Morishita ng BGYO, Ashton Salvador at iba pa.
Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo.