
Negosyante nilooban sa Singalong, patay
PATAY ang isang negosyante nang pasukin at barilin ng armadong kalalakihan madaling araw ng Lunes sa Singalong, Maynila
Naitakbo pa sa Manila Doctors Hospital ang biktimang si Rodrigo Nuñeza Arizo ngunit hindi na naisalba pa ng doktor dahil sa tama ng bala sa dibdib .
Tinitingnan ng pulisya ang anggulo ng robbery-homicide sa pagpatay sa biktima.
Sa inisyal na impormasyon, apat na lalaki na sakay ng dalawang motorsiklo ang huminto sa harap ng tindahan ng biktima bandang alas 5:30 a.m.
Pumasok ang tatlong suspek at dinala ang biktima sa kanyang kuwarto kung saan naganap ang pagpatay.
Nasa P120,ooonaman ang perang nawawala sa biktima kasama ang mamahaling cellphone at P2,000 halaga ng paninda ang tinangay ng mga salarin.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng MPD- Homicide Section at inaalam ang iba pang posibleng motibo sa pamamaslang sa negosyante. Francis Naguit & Jon-Jon Reyes