Suarez Deputy Speaker David “Jay-Jay” Suarez

PINOY AYAW SA KANDIDATONG PRO-CHINA

April 29, 2025 People's Tonight 116 views

MALINAW sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na ayaw ng mga Pilipino sa mga kandidato na maka-China at ang kanilang gusto ay ang mga tutol sa ginagawa ng mga Chinese sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang sinabi ni Deputy Speaker David “Jay-Jay” Suarez nitong Martes kaugnay ng SWS survey na kinomisyon ng Stratbase, kung saan lumabas na 75 porsyento ng mga Pilipino ay mas pinipili ang mga kandidatong pinaninindigan ang soberanya ng Pilipinas laban sa agresibong kilos ng China.

Aniya, ang napakalaking suporta sa mga kandidatong maka-soberanya ay sumasalamin sa malinaw na hangarin ng mga Pilipino para sa isang matatag at malayang kinabukasan.

“Now is the time to stand as one. Pilipinas muna. Pilipinas palagi,” ani Suarez. “The Filipino people have spoken. They reject China’s bullying, and they reject candidates who would allow foreign powers to trample on our rights. This is a fight for our sovereignty, our future, and our dignity as a nation.”

Dagdag ng mambabatas mula sa lalawigan ng Quezon, ang resulta ng survey ay sumasalamin din sa malawakang suporta sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas, ang 11-kandidatong Senate slate na suportado ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) sa pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, gayundin ng Party-list Coalition Foundation Inc. sa Mababang Kapulungan.

“The Alyansa slate stands firmly for sovereignty, democracy, and the Filipino people. There is no doubt that Alyansa is committed to asserting our rightful place in the WPS, without fear and without compromise,” ani Suarez.

Ayon sa isinagawang survey noong Abril 11 hanggang 14 sa 1,800 respondents sa buong bansa, binigyang-diin din nito ang mga kahinaan na sinasamantala ng mga operasyon ng disimpormasyon ng China.

Binigyang-diin ni Stratbase President Dindo Manhit na 41 porsyento ng mga botante sa Social Class E, ang pinakamahihirap na sektor ng bansa, ay mas malamang na paboran ang mga kandidatong hindi matatag sa isyu ng soberanya, dahilan upang sila ay maging “primary targets and victims” ng sistematikong pagpapalaganap ng maling naratibo ng China.

Nagbabala si Suarez na hindi lamang limitado sa agresyon sa dagat ang aktibidad ng China, kundi umaabot ito sa pagtatangkang manipulahin ang opinyong publiko at impluwensyahan ang halalan.

“China’s aggression is not only in our seas but also in our social media, our communities, and now even in our elections. We must wake up to this reality. Sovereignty is not just defended on the water; it must also be defended in the hearts and minds of our people,” ani Suarez.

Tinukoy rin ni Suarez ang mga natuklasan sa isang imbestigasyon ng Senado na nagpapatunay sa mga ulat mula sa security agencies na aktibong sinusubukan ng China na makialam sa darating na halalan sa Mayo 2025 sa pamamagitan ng koordinadong disimpormasyon at lihim na pagsuporta sa ilang kandidato.

“This is no longer speculation. China’s hand is trying to shape our future by propping up candidates who are weak on sovereignty. These candidates are not just naïve; they are dangerous. Leaders who are compromised by foreign interests have no business leading a free Filipino nation,” aniya.

Hinikayat niya ang mga botante na tanggihan ang mga kandidatong hindi maaasahang lumaban sa agresyon at manipulasyong ginagawa ng mga dayuhan.

“This election is a choice between sovereignty and submission. The administration-backed Alyansa offers candidates who will never waver in defending our people and our future,” ani Suarez.

AUTHOR PROFILE