OCTA

12 days bago halalan, Isko rumatsada sa survey

April 29, 2025 Edd Reyes 92 views

LAMANG sa pinakahuling survey si Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa voters’ preference sa Manila 12 araw bago ang halalan sa Mayo 12.

Sa inilabas na survey araw ng Martes ng OCTA Research na isinagawa nitong Abril 22 hanggang 23, nakakuha ng 63% voter preference si Domagoso mula sa anim na distrito ng Manila.

Malayo ito sa mga nakuhang porsiyento ng kanyang mga katunggali na sina incumbent Mayor Honey Lacuna, 18%; Sam Versoza, 16%; at Raymond Bagatsing, 1%.

Bagama’t tumaas ng 3% mula sa kanyang dating rating na 15% si Mayor Lacuna, nananatili pa rin na nasa margin of error ito na +/-3% sa OCTA Research survey.

Lumalabas sa pinakahuling survey na kahit pagsamahin pa ang nakuhang rating nina Lacuna at Versoza, malayo pa rin ito para makahabol sa rating ni Domagoso.

AUTHOR PROFILE