Aiko Larawan mula sa IG/Aiko Garcia

Sinapian ng sarap

April 29, 2025 People's Tonight 82 views

HINDI multo ang tila sumapi sa Vivamax siren na si Aiko Garcia kundi kakaibang sarap ang masisipat sa kanyang takaw-atensyong mga larawan.

Sa Instagram page ni Aiko, bumulaga sa netizens ang nakapang-aakit na mga galawan sa pag-pose ng bebot.

Sey niya sa caption ng post, “Beauty lies in your imagination.”

Makikita ang pahiga-higang si Aiko habang suot ang two-piece underwear. Bakat na bakat ang maipagmamalaki niyang magandang hubog.

Walang mintis kung sipatin ng male fans ang napaka kinis niyang balat.

Tila sinapian pa ng kasarapan ang sexy star dahil sa papikit-pikit pa nitong facial expression.

Loud and proud nga ang mga kalalakihan sa kanyang comment section na crush nila ang Vivamax actress. Hinangaan at pinusuan nila ang inihain ni Aiko.

Pati ang kapwa niya Vivamax star na si Angeli Khang, napa-“sheesh” sa larawan ni Aiko.

Bukod sa mga bagong pelikula, nakilala rin si Aiko sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Balik Taya (2023), Flirtatious (2023), at Palipat-lipat, papalit-palit (2024).

AUTHOR PROFILE