
Gas price sisirit ng P1.35/litro; diesel 80 cents/litro
SISIRIT na naman ang presyo ng mga produktong petrolyo simula alas-6:01 ng umaga sa Abril 29.
Unang nag-abiso ang PTT Philippines at ang Chevron Philippines na tataas ang presyo ng gasolina nila ng P1.35 kada litro at diesel ng 80 sentimos kada litro.
Ganito rin ang price adjustment ng Petron, Pilipinas Shell, Flying V, Unioil Philippines, Petro Gazz, Phoenix Petroleum, Eastern Petroleum at Seaoil Philippines.
Alas-4:01 ng hapon ang simula ng pagtaas ng presyo ng mga petroleum products ng Clean Fuel.
Ayon kay PTT Philippine Media Relations chief Jay Julian, sumasalamin lamang ang pagtaas ng presyo ng mga kompanya ng langis sa panibagong paggalaw ng halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan.