Martin4 Speaker Ferdinand Martin Romualdez

HINDI KAYO NAG-IISA

April 28, 2025 Ryan Ponce Pacpaco 102 views

Speaker Romualdez nakiramay sa mga biktima ng trahedya sa Vancouver

NAKIISA si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga nakikiramay sa pamilya ng mga Pilipinong nasawi sa isang insidente sa Canada, kasabay ng pagpapahayag ng kahandaan na tulungan ang mga ito.

“Today, our hearts grieve with our Filipino community in Vancouver,” ayon sa pahaya ni Speaker Romualdez.

“As Speaker of the House of Representatives, I want our kababayans in Canada to know: hindi kayo nag-iisa. We are one with you in mourning, and we stand ready to help in any way we can,” ayon sa pinuno ng Kamara.

“The loss of lives, the pain of those injured, and the shock of the entire Filipino-Canadian community are wounds that reach far beyond borders. Ramdam po namin ang inyong sakit. Sa bawat tahanang Pilipino ngayon, may pakikiramay, may pagdarasal at may pagdamay,” saad pa nito.

Ayon sa ulat, hindi bababa sa 11 tao ang namatay sa pag-araro ng isang sasakyan sa Lapu-Lapu festival sa Vancouver, Canada.

Ayon sa pulisya, ang nagmaneho ng sasakyan ay may problema sa pag-iisip.

“What was supposed to be a day of joy—a day to celebrate our heroes, our heritage, and the spirit that binds us as one Filipino family—turned into a day of heartbreak,” ayon pa kay Speaker Romualdez.

Sinabi ni Speaker Romualdez na inatasan niya ang mga opisyal ng konsulado ng Pilipinas sa Canada “to act swiftly and ensure that our kababayans are given the support, protection, and justice they deserve.”

Ang pinuno ng Kamara de Representantes ay nanawagan din sa Canadian authorities “to exhaust every means to bring those responsible to account and to strengthen measures that ensure the safety of all, especially our Filipino community.”

“To the families who lost loved ones, to those who are hurting, and to every Filipino touched by this tragedy—you are in our thoughts and in our prayers,” ayon pa sa mambabatas.

“The House of Representatives stands with you. Buong bayan, buong puso ang aming pakikiramay at pagdamay,” ani Speaker Romualdez.

AUTHOR PROFILE