Tulfo

Dalawang linggo bago ang halalan Erwin Tulfo nangunguna sa pinakabagong senatorial survey

April 28, 2025 People's Tonight 74 views

DALAWANG linggo bagong ang Halalan sa Mayo 12, nananaig bilang nangungunang kandidato si ACT-CIS Partylist Representative at Alyansa para sa Bagong Pilipinas candidate Erwin Tulfo.

Nagkamit si Tulfo ng 100% awareness at 61.2% voting preference rating sa pinakabagong Tugon ng Masa survey na isinagawa ng OCTA Research mula Abril 10-16 na naglalagay sa kanya sa rank 1-2.

Lamang si Tulfo ng 15.8% sa voting preference rating sa kandidatong sumunod sa kanya.

Ani Tulfo, “Nagpapasalamat po ako sa ating mga kababayan sa patuloy nilang pagsuporta sa akin lalo na’t dalawang linggo na lang bago ang eleksyon,”.

Pahayag pa niya, “Lagi ko naman sinasabi sa ating mga pag-iikot na di pagsisisihan ng mga kababayan natin ang tiwalang ibinibigay nila sa akin. Susuklian po natin ito nang mas masipag na serbisyo sa Senado,”

Hindi matatawaran ang magandang performance ni Tulfo sa kabi-kabilaang survey dahil maliban sa OCTA, parte rin siya ng mga nangungunang kandidato na lumabas sa resulta ng mga bagong survey ng WR Numero, Social Weather Stations, at Pulse Asia.

Kasabay ng magandang posisyon sa mga survey ay ang tuloy-tuloy na pag-endorso ng mga lokal na opisyal kay Tulfo.

Kamakailan laman ay naselyuhan niya ang suporta ng mga vote rich provinces na Pampanga at Pangasinan. Gayundin ang malaking pagsuporta ng mga pinuno ng Quirino Province.

AUTHOR PROFILE