
Acclang singer ‘kapwa ko, mahal ko’ ang peg
KAPWA ko, mahal ko ang peg ng isang acclang singer kapag lumalandi. Naaasiwa raw siya kapag tunay na lalaki ang kanyang nilalandi na ilang beses na niyang nasubukan, huh!
‘Yun nga lang, hindi uso ang salitang discreet sa acclang singer kapag nakikipaglandian sa kapwa niya klosetang accla.
Lalo na kapag magkasama sila ng isa pang acclang singer na mas senior sa kanya. Kesehodang mapansin ang kalandian niya ng mga tao, sige lang siya nang sige dahil gusto niya ang ginagawa niya.
Kung minsan nga, tumeterno pa ng suot ang junior singer sa mas senior sa kanyang singer, huh! Kahit malaman ng lahat ang ternong suot nila ng type niyang acclang singer, keber ba niya kahit ilabas ito sa social media.
Basta si acclang junior singer, alam niya kung kailangan siyang mag-behave pero ’pag landian na, hindi rin siya pahuhuli, huh!
ICONIC CHARACTER
NGITING tagumpay na naman si Kiko Estrada dahil after ng series niya sa TV5 na “Lumuhod Ka sa Lupa,” gagampanan naman niya ang character na orihinal na ginampanan ni Fernando Poe Jr. sa “Totoy Bato”.
After portraying the character of Rudy Fernandez sa “Lumuhod Ka Sa Lupa,” ang iconic character naman ni FPJ na “Totoy Bato” ang next niyang project.
Eh, marunong namang umarte si Kiko kaya deserve naman niyang gawin ang kahit anong iconic character na ibigay sa kanya!