
‘Sugat sa Dugo’ pinapurihan sa Senado
MALAKI ang pasasalamat ng Dragon Entertainment Productions owners na sina Bambbi Fuentes at Tine Areola kay Sheela Villano-Millera, chairperson ng Senate Gender and Development Focal Point System, pati na sa fellow officers at iba pang mga kasamahan nito, sa pagpapalabas ng advocacy film na “Sugat sa Dugo” sa Senado bilang parte ng selebrasyon ng Women’s Month nitong nakaraang Marso.
Sa nasabing screening ay pinalakpakan ang pelikula ng mga taga-Senado’t pinapurihan ni Villano-Millera ang pang-malakasang mensahe nito ukol sa HIV/AIDS awareness.
Gaya nga ng sabi ni Bambbi, “Through this film, we want to break the silence, spread awareness and encourage compassion for those affected by HIV/AIDS.”
Si Tine naman, in-emphasize ang kahalagahan ng socially relevant films sa pagsasabing, “We want to create films that not only entertain but also enlighten. ‘Sugat sa Dugo’ is our way of raising awareness and encouraging empathy for those living with HIV/AIDS.”
Sa ilalim ng direksyon ni Danny Ugali, pinagbidahan ang “Sugat sa Dugo” nina Janice de Belen, Sharmaine Arnaiz at Dragon Babies na sina Khai Flores, Shira Tweg, Crista Jocson, Mira Aquino, atbp.
Kinilala ang kahusayan dito nina Khai at Shira bilang New Movie Actor/Actress of the Year, respectively, sa 2024 Star Awards for Movies habang si Janice naman ay tinanghal na Best Actress sa 2021 Manhattan International Film Festival Autumn sa New York.