Apol Larawan: Apol Salangad/IG

Nakakapaso

April 27, 2025 People's Tonight 86 views

HINDI na mapigilan ang pag-apoy ng social media matapos rumampa si Apol Salangad sa kanyang latest pampa-pawis na pasilip!

Sa kanyang caption na “Current status: Summer na ang inet,” pasabog ang literal at figurative na init na hatid niya sa mga fans.

Suot ang asul na bikini, umangkas si Apol sa isang pulang couch — at sa kuhang iyon, tuluyang naging bida ang kanyang wetpaks na mistulang nagsisindi ng apoy kahit malamig pa ang aircon!

Nag-uumapaw ang reaksyon ng netizens na halos mabura ang comment section sa mga mapusok na papuri. “Please wag ka na po sumabay sa init ng panahon!” ang sambit ng isang nabighani.

Hindi rin nagpahuli ang isa pa na nagpasaring, “Nakakapaso kahit nakatingin lang!”

AUTHOR PROFILE