Pope Ang pagbasbas ni Msgr. Ramon Aguilos ng Our Lady of Fatima Parish sa marker ni Pope Francis sa tarmac ng bagong Tacloban City Airport, matapos ang misa upang parangalan ang alaala ng pagdalaw ni Pope Francis sa Tacloban noong Enero 17, 2015. Nasa larawan din si Speaker Ferdinand Martin Romualdez. Kuha ni VER NOVENO

Speaker Romualdez: Nagbigay si Lolo Kiko ng lakas, higit pa sa pag-asa

April 26, 2025 Ryan Ponce Pacpaco 157 views

TACLOBAN CITY – Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez noong Sabado ng hapon ang mga opisyal ng gobyerno at mga Waraynon sa pagdalo sa isang banal na misa upang parangalan ang alaala ng hindi malilimutang pagdalaw ni Pope Francis sa Tacloban noong Enero 17, 2015.

Idinaos ang misa sa tarmac ng New Daniel Z. Romualdez Airport, ang kaparehong lugar kung saan nagdaos ng misa si Pope Francis noong 2015.

Ayon kay Speaker Romualdez, ang pagbisita ng Santo Papa ay nagbigay hindi lamang ng pag-asa kundi ng lakas sa mga mamamayan ng Eastern Visayas upang makabangon mula sa pinsalang dulot ng super typhoon Yolanda.

Ang banal na misa ay pinangunahan ni Msgr. Ramon Stephen Aguilos bilang pangunahing tagapagdiwang, kasama sina Rev. Fr. Mark Ivo Velasquez, Rev. Fr. Paulino Cabahit Jr., Rev. Fr. Engelbert Tiu, Rev. Fr. Goldie Kenn Zabala, Rev. Fr. Aldwin Roy Cabelin Nartea, at Rev. Fr. Michael Kirby Lauron bilang mga co-celebrants.

“Pope Francis gave us more than hope,” ani Speaker Romualdez pagkatapos ng paggunita na pinamagatang Paghinumdom: A Tribute of Gratitude.

“He showed the world how to lead with compassion. He stood with us—not just as a Pope, but as a father to the suffering. His presence gave us strength to rise,” aniya.

“He gave us the courage to begin again. When we felt forgotten, he remembered. When we were broken, he came to bless the brokenness. That is something no people ever forget,” dagdag pa niya.

Bago ang Banal na Misa ng alas-3 ng hapon, ipinalabas ang ilang videos tungkol sa buhay ni Pope Francis, na sinamahan ng mga awiting pagsamba na inawit ng I Love Tacloban Singers.

Binigyang-diin ng mga dumalo na ang misa ay hindi lamang okasyon ng pagdadalamhati kundi isang pag-alaala sa isang pinunong espiritwal na nakisama sa mga dumaranas ng pagdurusa, namuno nang may kababaang-loob, at nagpakita sa mundo ng isang makapangyarihang halimbawa ng awa.

Habang inihahatid ng Simbahang Katolika sa kanyang huling hantungan si Pope Francis nitong Sabado, ginunita naman ng mamamayan ng Eastern Visayas ang ika-10 anibersaryo ng kanyang pagbisita nang may pusong puno ng paggunita—at isang pangakong hinding-hindi nila malilimutan ang lalaking nagdala ng liwanag sa kanilang pinakamadilim na oras.

Ang misa na nagsimula ng alas-3 ng hapon ay nagsilbing parehong pag-alala at pasasalamat para sa Kanyang Kabanalan, na naghatid ng malasakit at kaaliwan noong panahong pinakamalaki ang pangangailangan ng rehiyon.

Dinaluhan ng mga pinuno ng simbahan, mga lokal na opisyal, mga survivor ng Yolanda at mga residente ang tribute. Marami sa kanila ang minsang sumuong sa sama ng panahon 10 taon na ang nakalilipas upang makita si Pope Francis, na nagpumilit ipagpatuloy ang kanyang pagbisita sa kabila ng masamang panahon.

Sinabi ni Speaker Romualdez na ang mga buhay ng mamamayan ay tuluyang nabago dahil sa pagbisita ng Santo Papa noong Enero ng 2015.

“Ten years ago, Pope Francis did not just visit us: he stood with us, shoulder to shoulder, heart to heart,” ani Speaker Romualdez.

“His presence was a comfort to our grief, a spark to our resilience and a reminder that even in the darkest storms, the light of compassion can shine through,” pagpapatuloy pa niya.

“Hindi po kailanman mababayaran ng salita o panahon ang ginawa ng Santo Papa para sa mga taga-Tacloban at buong Eastern Visayas. Ang kanyang pagyakap sa ating lungkot ay nagsilbing paalala ng pagmamahal ng Diyos sa mga nawalan at nasalanta ng bagyo,” ani Speaker Romualdez.

Nagbigay din ng pagninilay si Speaker Romualdez sa makasaysayang imahe ni Pope Francis na nagmimisa sa ilalim ng unos habang nakasuot ng dilaw na raincoat—isang sandaling naging simbolo ng pakikiisa ng simbahan sa mga nagdurusang Pilipino.

“That yellow raincoat became our banner of faith. We saw in him not a distant leader, but a loving father: present, soaked in our sorrow, and filled with love,” pahayag ni Speaker Romualdez.

Ang tribute ay hindi lamang paggunita kundi pagpapahayag din ng taos-pusong pasasalamat.

Ayon kay Speaker Romualdez, hindi lamang nila naibangon ang mga imprastruktura kundi pati na rin ang diwa ng kanilang mga komunidad matapos ang Yolanda, na bahagi ay inspirasyon ng mga salita at presensya ng Santo Papa.

“Hindi lang siya nakiramay. Pumunta siya, nakiiyak at nakisama sa paghihirap ng mga taga-Tacloban City at buong Eastern Visayas. Hindi lang po ito pag-alala, ito ay pasasalamat. Isang dekada na ang lumipas, pero sariwa pa rin sa alaala namin ang pagmamahal na kanyang ipinadama. Kaya ngayong araw na ito, sinasabi naming muli: Damo nga salamat, Pope Francis,” ani Speaker Romualdez na dumalo rin sa misa na pinangunahan noon ni Pope Francis 10 taon na ang nakararaan.

“We honor not only the man who came to comfort us, but the spirit he awakened in us: a spirit of unity, of resilience, and of boundless hope,” sabi pa ni Speaker Romualdez. “In Tacloban, we don’t just remember the Pope: we carry him in our hearts. His visit was brief, but the impact was eternal.”

Nakiisa rin sa misa ang lokal na pamahalaan ng Tacloban City, mga pinuno ng simbahan at mga residente mula sa Eastern Visayas.

“Let us live the message he left with us: to care for the forgotten, to comfort the afflicted and to serve with humility and love,” ani Speaker Romualdez.

AUTHOR PROFILE