Lacuna

SCO sasagutin ni Mayor Honey

April 26, 2025 Edd Reyes 162 views

Lacuna1TATALIMA si Manila Mayor Honey Lacuna sa show cause order (SCO) ng Commission on Election (Comelec) sa oras na matanggap ang utos.

Nauna ng naglabas ng show cause order ang Comelec laban sa 19 na kandidato, kabilang si Mayor Lacuna, kaugnay sa umano’y vote buying at abuse of state resources.

Ayon sa alkalde, tama lang at maayos ang pagbibigay sa kanya ng Comelec ng pagkakataon na sagutin ang paratang at handa siyang pasinungalingan ang mga ito.

“Sa mga minamahal kong Manileño, huwag po kayong mag-alala—tuloy pa rin ang serbisyo-publiko ng inyong pamahalaang lungsod.

Serbisyong patas at walang pinipiling tulungan, anuman ang inyong partido o katayuan sa buhay,” panawagan ng alkalde.

“Sa mga kapanalig ko sa Asenso Manileño, mga volunteers at mga kasamang naninindigan para sa gobyernong tapat at totoo sa anim na distrito ng Maynila, hindi tayo magpapatinag.

Patuloy ang laban para sa tuluy-tuloy na progreso ng Maynila at magandang kinabukasan para sa lahat ng Manileño,” dagdag ng alkalde.

Sabi pa ng alkalde, sa huli tapat at totoo pa rin ang mananaig.

Nauna ng kumalat sa social media ang video ng pamamahagi umano ng P1,000 at maliit na sako ng bigas sa daan-daang residente ng Maynila sa San Andres Complex kung saan naroon ang poster ni Mayor Honey Lacuna na dahilan upang padalhan siya ng SCO ng Comelec.

AUTHOR PROFILE