Patay

Kelot tigok sa ambush

April 26, 2025 Jojo C. Magsombol 114 views

ISANG lalaki ang pinagbabaril hanggang mapatay noong Miyerkules sa Sitio Ginting, Brgy. Escribano, San Juan, Batangas.

Sakay ang biktimang si alyas Leonardo at ang kanyang anak ng kanilang trak ng tambangan ng mga hindi nakilalang suspek sakay ng motorsiklo, ayon sa report kay Batangas police director P/Col. Jacinto Malinao Jr.

Tinamaan sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima na nagresulta ng agarang kamatayan.

Tumakas ang mga suspek patungo sa hindi malamang direksyon pagkatapos ng pamamaslang.

AUTHOR PROFILE