Kiray magandang balita ang hatid

April 26, 2025 Aster Amoyo 130 views

Kiray1Kiray2Kiray3SA kabila ng malulungkot na balita dahil sa sunud-sunod na pagyao ng maituturing na mga haligi ng industriya ng musika, telebisyon at pelikula maging ang pagpanaw ng mahal na Santo Papa na si Pope Francis, magandang balita naman ang hatid ng actress-comedienne at entrepreneur na si Kiray Celis at ng kanyang longtime non-showbiz boyfriend na si Stephan Estopia.

The long wait is over para sa 29-year-old Kapuso actress-comedienne dahil nag-propose na rin finally sa kanya ang kanyang nobyo na si Stephan na ginanap sa Misibis Bay in Bicol at sundown kung saan present ang kanilang respective families and close friends.

Ipinangako ni Kiray sa kanyang sarili na hindi umano siya iiyak sakaling mag-propose ang kanyang boyfriend pero kinain ng actress-comedienne ang kanyang sinabi dahil hindi lamang iyak kundi hagulhol ang kanyang ginawa nang finally mag-propose sa kanya si Stephan.

“Gusto kong magpasalamat kay LORD kasi binigay Niya ako sa TAMANG tao,” pahayag niya sa kanyang Instagram post.

Masayang-masaya rin ang pamilya ni Kiray dahil natagpuan na rin nito (Kiray) ang taong magmamahal sa kanya at magiging kaagapay sa buhay.

Although engaged na sina Kiray at Stephan, pinag-uusapan pa lamang nila ang kanilang wedding na maaaring mangyari within the year o di kaya early next year.

Sunud-sunod na hiwalayan

PicPic1BUKOD sa sunud-sunod na pagpanaw ng ilang music and cinema icons sa buwang ito ng Abril, kabilang din sa buwang ito ang napapabalitang hiwalayan sa pagitan ng tatlong couple, ang Viva stars na sina Cristine Reyes at Marco Gumabao, ang Kapuso star na si Kyline Alcantara at young cager na si Kobe Paras maging ang longtime partners, ang actress na si Sofia Andres at ang international race car driver na si Daniel Lhuillier Miranda.

Sina Sofia at Daniel ay may 5-year-old beautiful daughter na si Zoe na isinilang sa Sydney, Australia nung November 24, 2019 which they both adore.

Ang pag-unfollow nila sa kanilang respective Instagram accounts ay siyang nag-fuel ng espekulasyon sa marami na hiwalay na nga at tatlong couples.

Nakakalungkot naman.

Jim may nakalkal na lumang litrato nina Danny, Rico at Hajji

JimISANG lumang litrato ang nakalkal sa kanyang file ng singer-songwriter, music icon at isa sa mga miyembro ng APO Hiking Society na si Jim Paredes na magkakasama sa isang frame ang mga yumao nang sina Danny Javier, Rico J. Puno at Hajji Alejandro which he posted on his FB account.

Si Danny ay ang singer-songwriter at miyembro ng iconic group na APO Hiking Society along with Jim Paredes and Buboy Garovillo. Siya’y pumanaw nung October 31, 2022 sa edad na 75. Si Rico J. Puno naman ay pumanaw nung October 30, 1918 sa edad na 65 habang ang isa pang music icon na si Hajji Alejandro ay yumao naman nung nakaraang April 21, 2025 sa edad na 70.

Sina Danny, Rico J. at Hajji ay pare-parehong malaki ang naiambag at malaking kawalan sa industriya ng musika at entertainment sa Pilipinas.

Dolly patuloy na gumagawa ng pangalan sa Hollywood

DollyDolly1ANG veteran award-winning actress na si Ruby Ruiz ang kauna-unahang Filipino actor na nakatrabaho ng award-winning Australian-American actress na si Nicole Kidman nung 2022 sa pamamagitan ng TV series na “Expats” where Ruby played the role of a nanny na si Essie.

This time ay ang international award-winning Filipino actress naman na si Dolly de Leon ang kasama ni Nicole sa Prime Video/Hulu series, ang “Nine Perfect Strangers” na tinatampukan din nina Henry Golding, Annie Murphy, Cristine Baranski, Lena Olin, Murray Bartlett, Liv Ullman, Maisie Richardson-Sellers at Aras Aydin and set to premiere on May 21, 2025.

Ang international breakthrough ay dumating sa Filipino award-winning actress na si Dolly nang siya’y mapasama sa satirical black comedy ni Ruben Ostlund, ang “Triangle of Sadness” where she played the role of Abigail, isang toilet cleaner sa isang luxury cruise ship. The movie premiered at the 2022 Cannes Film Festival in France kung saan nanalo ang pelikula ng Palme d’Or and received critical acclaim. Ang nasabing pelikula ang nagbigay sa kanya ng kanyang first Guldbagge Award as Best Supporting Actress at Los Angeles Film Critics Association Award for Best Supporting Performance and was nominated for Best Actress sa Golden Globe Award and BAFTA Awards and the very first Filipino actress ever nominated for the awards in any category.

The following year, Dolly co-starred with Kapamilya superstar Kathryn Bernardo sa black comedy film na “A Very Good Girl” na pinamahalaan ni Petersen Vargas under Star Cinema at kumita sa box office ng mahigit P100M.

On same year, 2023, si Dolly ay nagkaroon ng special participation sa hit primetime series na “Dirty Linen” ng ABS-CBN. She also voiced Rosalinda sa adult animated drama na “The Missing” na nagpapanalo sa kanya ng Best Supporting Actress sa 2023 Cinemalaya Independent Film Festival. The same movie was submitted (for consideration) sa 96th Academy Awards para sa Best International Feature Film category.

Si Dolly rin ang bida at tumayong executive producer sa comedy drama film na “Ghostlight” na magkatulong na pinamahalaan nina Kelly O’Sullivan at Alex Thompson na nagbigay sa Filipino actress ng honorable mention in Gold Houses’ Gold List: Film 2025 for Best Performance In A Supporting Role (as Rita).

Nung 2023, British Vogue named Dolly as one of the 31 Most Famous Stars of the World.

Although nagsimula si Dolly sa mga bit roles sa mga theater plays at pelikula, malayo na ang narating ng Theater Arts graduate ng University of the Philippines na isa na ngayong Hollywood actress.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE