Default Thumbnail

Kyline: I really don’t have to explain myself

April 25, 2025 Vinia Vivar 115 views

Sa gitna ng mga kontrobersiya ngayon kay Kyline Alcantara partikular na ang breakup rumor nila ni Kobe Paras, nananatiling tikom ang bibig ng aktres at hindi nagsasalita tungkol dito.

Noon pa ay kilala naman talaga si Kyline sa pagiging secretive when it comes to her personal life. Kahit sa kasagsagan ng kontrobersiya tungkol sa breakup nila ni Mavy Legaspi noon ay never din siyang nagsalita tungkol doon.

Sa latest interview sa Sparkle artist ng Cosmopolitan Mag kung saan ay siya ang April cover girl, aminado siya na hindi madali na maging tahimik at kahit hindi pa siya nagsasalita ay naba-bash na siya.

“I’ve been bashed for the things that I did not say or do, or because I decided to upgrade myself, or just because I tried too hard. But, I was judged already before I even opened my mouth, so I’d rather have my small circle know my truth than be open in public and still be judged and bashed for it,” aniya.

Pero sa kabila nga ng mga kaliwa’t kanang batikos, mas pinipili na lang ni Kyline na huwag nang sumagot pa.

“Kahit anong sabihin niyo sa akin, it’s okay as long as my intentions are clear. I know my truth. And I know that my truth is the truth. You may have your own side of the story, but my truth is the truth,” saad ng dalaga.

Para sa aktres, wala raw siyang dapat ipaliwanag pa as long as alam ng Diyos ang katotohanan.

“I really don’t have to explain myself. You can say whatever you want about me as long as alam ni God, alam ng Panginoong Diyos kung ano talaga nasa puso ko. Kung ano talaga yung nangyari. I am comfortable with that. I can sleep peacefully at night with that. I can live with that,” aniya.

Samantala, it was revealed recently na magkakasama sina Kyline at Barbie Forteza sa upcoming revenge drama series ng GMA Public Affairs na “Beauty Empire.”

Ang nasabing serye ay bagong collaboration ng GMA Network sa Viu Philippines at CreaZion Studios.

Makakasama nila rito ang dalawang tinitingalang beauty queens na sina Ruffa Gutierrez at Gloria Diaz.

First project naman ito ng Korean superstar na si Choi Bo Min dito sa bansa habang mapapanod rin dito sina Sam Concepcion, Chai Fonacier at Sid Lucero.

AUTHOR PROFILE