Shabu

Lalaki nalambat sa P1M na shabu

April 25, 2025 Bernard Galang 123 views

ARESTADO ang isang lalaking sound system operator noong Huwebes at nasamsam sa kanya ang mahigit P1 milyong halaga ng shabu sa buy-bust sa Limay, Bataan.

Sa ulat kay Brig. Gen. Jean Fajardo, hepe ng PNP Region 3, kinilala ang suspek na si alyas Anin, 28.

Nagsagawa ng entrapment operation ang mga tauhan ng Limay police sa suspek na nakuhanan ng hindi bababa sa 175 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.19 milyon.

Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa RA 9165.

AUTHOR PROFILE