
P20/kilo rice nasa Visayas na; PBBM nag-inaugurate ng port
MABIBILI na sa Visayas ang P20 pero kilo ng bigas matapos ang pulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga gobernador ng rehiyon noong Abril 23.
Sinabi ni Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na ang P20-kilo na bigas katuparan sa pangako ni PBBM na pababain ang presyo ng bigas.
Hanggang 10 kilong bigas kada linggo ang pwedeng bilhin ng mga beneficiary household na may katumbas na 40 kilos bawat buwan.
Nagbigay ng direktiba si Pangulong Marcos na palawigin ang programa hanggang 2028.
Samantala, mas masiglang kalakalan at turismo ang inaasahan sa Misamis Oriental at mga karatig-lugar dahil sa Balingoan Port Expansion Project na pinasinayaan ni Pangulong Marcos.
Sa ilalim ng proyekto ng DOTr at PPA, mayroon nang mas malawak na back-up area, RoRo ramp at Port Operations Building ang pantalan upang magbigay-daan sa mas magandang kabuhayan sa rehiyon.
Binuksan ng Pangulo ang marker ng terminal building sa pantalan at nagsasagawa ng tour sa loob habang binibigyan ng briefing ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vivencio Dizon at Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Daniel Santiago.
Ang Port of Balingoan may mahalagang papel sa pagpapahusay ng turismo, kalakalan at pang-ekonomiyang aktibidad sa Northern Mindanao.
Ang daungan ay mayroon ng 500-seat capacity at mga modernong amenity upang higit na mapabuti ang karanasan sa pagbibiyahe ng mga pasahero, pati na rin ang mga ticketing counter, concessionaire area, lounge at banyo.
Ang backup area ng Balingoan Port ay pinalawak din ng 10,832 square meters para magbigay ng karagdagang espasyo para sa cargo handling, storage at logistical operations.
Inaasahang mapapahusay ng pagpapalawak na ito ang kapasidad nito upang mapaunlakan ang tumaas na trapiko at mas malaking volume ng mga kalakal.