
Hirap sa pagkawala nina Pilita at Nora inamin ni Janine
Inamin ni Janine Gutierrez na naging napakahirap nitong nagdaang dalawang linggo kung saan ay magkasunod na pumanaw ang mga lola niyang sina Pilita Corrales at Nora Aunor.
Matatandaang pumanaw ang Asia’s Queen of Songs nitong nakaraang April 12. After four days, sumakabilang-buhay naman ang nag-iisang Superstar at National Artist na si Ate Guy nitong April 16.
Sa kanyang Instagram channel ay ibinahagi ni Janine ang saloobin sa pagkawala ng dalawang lola na parehong ibinurol sa Heritage Park sa Taguig.
“It’s the first time in ten days that I’m not at a wake. this holy week, my siblings and I lost two lolas, mama and papa’s mothers. kakauwi lang namin galing sa wake ni mamita ng mga alas-kwatro ng hapon nung April
16. pagdating ng alas-diyes ng gabi, tumatawag na ulit yung kapatid ko sa chapel para kumuha ng kwarto, para naman kay mama guy,” saad ni Janine.
“It’s been difficult and even unbelievable, but all throughout, you have helped us so much with your support and love. thank you so much for your thoughts and prayers. we love you so much, everyone who sent a message, dropped by or had us and our lolas in your mind,” patuloy niya.
Aniya pa, ang unang plano niya for that week ay mag-travel pero nagdesisyon siyang huwag nang tumuloy at sa bahay na lang mag-spend ng Semana Santa.
Mabuti na lang daw at hindi siya tumuloy dahil magkasunod palang mawawala ang kanyang mga lola.
“Initially, I blocked off the week to travel but decided to just spend it at home. sabi ko mag-ayos nalang ako ng bahay at mag-aral ng script. buti nalang hindi na ako umalis. mamita passed away on my first free day and we buried mama guy on my last,” aniya.
Kahit wala na ang kanyang mga lola, ayon kay Janine, nais pa rin niyang maging proud sa kanya ang mga ito.
“Driving to my location today, I think of my two new angels and how they always powered through. I think of how I can continuously make them proud. it gives me comfort to know there are many of us who will always have them in our hearts. thank you,” pahayag ng aktres.