
Sue masaya kay Dominic, Diego wala pang bago
SA ikalawang pagkakataon ay magtatambal sa pelikula sina Sue Ramirez at Diego Loyzaga sa pelikulang “In Between” na pinamahalaan ni Gino Santos under Viva Films, the same film outfit that produced their first movie together in 2022, ang “How to Love Mr. Heartless” mula sa panulat at direksiyon ni Jason Paul Laxamana. Pero sa pelikulang “In Between” ay pareho na silang nag-mature and had more intimate scenes.
During the presscon of the movie na ginanap sa Viva Café, inamin pareho nina Sue at Diego na kumportable umano sila sa isa’t isa dahil matagal na silang magkaibigan. Pero ang maganda ay hindi ito nauwi sa ligawan sa kanilang pagitan.
While filming the movie, nakita nila kung gaano sila kasaya ngayon. Si Sue dahil kanyang bagong pag-ibig na si Dominic Roque at si Diego sa kanyang adorable daughter na si Hailey although aminado ang binata na wala umano siyang bagong lovelife ngayon.
Si Diego ay hiwalay na sa ina ng kanyang daughter na si Hailey na si Alexis Suapengco pero may kasunduan ang dalawa pagdating sa kanilang anak.
Kahit hiwalay na sina Diego at Alexis, the actor makes it a point to be a present father to his daughter as much as he can. Kung hindi niya nakakasama ang bata, he regularly video call Hailey who is turning 2 next month.
Ngayon lamang lubos na nauunawaan ni Diego ang damdamin ng isang magulang sa paglabas ng kanyang anak.
As for Sue, hindi gaanong nagtagal ang pagiging heart-broken nito nung isang taon dahil sa break-up nila ng actor-politician na si Javi Benitez. Sa pagdating sa kanyang buhay ng actor na si Dominic Roque, ex-fiance ng actress na si Bea Alonzo, hindi nito ikinakaila na masaya silang dalawa sa kanilang relasyon ngayon.
Although hindi pa natatagpuan ni Diego ang kanyang ideal woman. He’s not in a hurry to look for one dahil naka-focus ang kanyang attention sa anak na si Hailey at sa mga negosyong pina-plano.
Bukod sa kanyang townhouse (where he stays) meron din itong ipinatayong bahay somewhere in Fairview, Quezon City na malapit na umanong matapos.
It’s been a year na wala umano siyang siyang ginawang movie kaya masaya siya nang dumating ang “In Between” film, their reunion project ni Sue directed by Gino Santos.
“In Between” hits the movie theaters this May 7, 2025.
Bangs maganda ang buhay sa London
FORMER ABS-CBN talent Bangs Garcia has been based in London and is now a citizen matapos siyang mag-asawa sa British-Filipino businessman na si Lloyd Birchmore nung 2016. May dalawa nang daughters ang mag-asawa.
Bangs and Lloyd first got married in London nung 2016 na sinundan ng kanilang beach wedding in Boracay nung 2017.
Bangs is not just a wife and mother now kundi isa na rin siyang entrepreneur matapos itong magtayo ng isang Filipino restaurant in London ang D’Cocina.
It was last July 19, 2024 nang maging British citizen ang dating actress na si Bangs.
Masaya ang married life ni Bangs in London dahil bukod sa dalawa niyang anak, she found an ideal husband in Lloyd na very supportive din sa kanyang pagpasok sa restaurant business.
Mga kasamahan ni Hajji sa OPM Hitmakers wala pang plano
MALUNGKOT ngayon ang tatlong OPM hitmakers and music icons na sina Rey Valera, Marco Sison at Nonoy Zuniga sa maagang pagyao ng kanilang kasamahan sa grupo na si Hajji Alejandro. Si Hajji ay hindi lamang nila naging kasamahan sa industriya kundi isa rin itong music legend at matalik nilang kaibigan.
Sobrang naapektuhan ang grupo nang maagang mamaalam ang tinaguriang “The Total Peformer’ na si Rico J. Puno nung October 30, 2018. It was not just Rico who formed OPM Hitmakers in early 2000 kundi isa umano ito sa buhay ng grupo. Gayunpaman, kanilang ipinagpatuloy ang grupo maging ang kanilang solo respective careers.
Sa simula ng OPM Hitmakers without Rico J. was not easy dahil ramdam nila ang absence nito sa grupo. Naging malaking kawalan si Rico J. sa kanila. It took sometime bago sila finally nakapag-adjust as though kasama pa rin nila ito sa kanilang shows and concerts. The group would still make fun of Rico J. tulad ng ginagawa nito sa kanila nung ito’y nabubuhay pa.
Kung kelan adjusted na ang grupo sa pagkawala ni Rico J., heto’t isa namang kasamahan ng OPM Hitmakers ang namaalam, si Hajji Alejandro nung nakaraang Lunes, April 21, 2025 at the age of 70.
Ang bawat miyembro ng OPM Hitmakers ay integral part ng grupo. Nung nabubuhay pa si Hajji, he would do the script for their show. Ang mga green joke na markado kay Rico J. at napunta kay Rey Valera at may kani-kanya namang highlight ang bawat isa sa kanila. They would make fun of each other while on stage kaya walang dull moments na sobrang ini-enjoy ng audience.
Habang nasa stage pa sila ng pagdadalamhati sa pagpanaw ni Hajji, wala pang immediate plans sina Rey, Marco at Nonoy ngayong tatlo na lamang silang natitira sa OPM Hitmakers.
Samantala, wala pa ring detalyeng inilalabas ang pamilya ni Hajji kung kailan ang burol at ihahatid sa kanyang huling hantungan. Humihingi rin sila ng privacy.
Dominique devastated sa pagkamatay ng nakatatandang kapatid
DEVASTATED ang pakiramdam ngayon ni Dominique Cojuangco, ang kaisa-isang anak ng longtime partners, ang business tycoon na si Tonyboy Cojuangco at actress na si Gretchen Barretto dahil sa maagang pagpanaw ng kanyang ate, her half-sister (sa father side) na si Patricia ‘Patty’ Cojuangco-Kierulf nung nakaraang April 19, 2025 sa edad na 47.
Si Patricia ay anak ni Tonyboy sa kanyang ex-wife na si Bingbing Gonzales. Unknown to many, sobrang close ang magkapatid at close din si Patty sa ina ni Dominique na si Gretchen.
“How blessed am I to have been able to call you my sister in this lifetime. My heart is shattered. I’ll love you forever,” mensahe ni Dominique sa kanyang Ate Patty in her Instagram account.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.