Default Thumbnail

2 bebot na sangkot sa human trafficking arestado

April 20, 2025 Bernard Galang 227 views

CAMP OLIVAS, City of San Fernando–Arestado ang dalawang hinihinalang babaeng sangkot sa human trafficking habang nasagip ang 17 babaeng biktima sa entrapment noong Abril 11 sa Angeles City, Pampanga.

Naganap ang pag-aresto at pagsagip sa Brgy. Pulung Maragul, Angeles City at nahuli ang suspek na si alyas Melissa, 36, na nag-aalok ng mga babae para sa serbisyong sekswal kapalit ng pera habang nasagip ang 12 babaeng biktima sa lugar.

Matapos ang isang oras, ikinasa ang follow-up operation sa kalapit na restaurant na humantong sa pagkakaaresto kay alyas Arianna at nasagip ang lima pang babaeng biktima na ni-recruit at pinagsamantalahan para sa katulad na layunin.

Kakasuhan ang dalawang suspek ng paglabag sa Republic Act No. 9208 o ang Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012.

Pinuri ni Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen. Jean Fajardo ang mabilis at koordinatong aksyon ng operating team.

AUTHOR PROFILE