
Doktor binuriki ng saksak, nakitang patay sa sasakyan
TODAS na at may mga saksak sa iba’t-ibang parte ng katawan nang matagpuan ang 68-anyos na doktor sa loob ng sasakyan niya sa Novaliches, Quezon City noong Sabado.
Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (QCPD), bandang alas-10:00 ng gabi natagpuan ang biktima sa loob ng kaniyang sport utility vehicle sa Mindanao Ave. sa Brgy. Pasong Putik Proper.
Batay sa imbestigasyon ni P/SSg Alexiss Mace Jurado, basurero ang nakakita sa biktima na nakalugmok sa driver’s seat.
Dumating ang Scene of the Crime Operatives team sa pangunguna ni P/Maj. Michael Jabel at nasamsam ang isang iris scissor na may bahid ng dugo.
Natuklasan ng SOCO team na nagtamo ng maraming saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima.