Crime

Bebot hinalay na, ginulpi pa; suspek nakatakas, ‘di nakilala

April 20, 2025 Bernard Galang 200 views

ISANG babaeng diumano’y maysakit sa pag-iisip ang hinalay at binugbog pa ng nakatakas at hindi nakilalang tricycle driver sa sementeryo sa Bamban, Tarlac.

Sa ulat kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen. Jean Fajardo, kinilala ang biktima na si alyas Tep, 28, ng Brgy. Baras-Baras, Tarlac, City.

Lumalabas sa pagsisiyasat na naglalakbay ang biktima mula sa Brgy. Dolores, Mabalacat City, Pampanga para bisitahin ang kanyang tiyahin.

Aalis na sana ang biktima nang alukin ng hindi kilalang tricycle driver na sumakay.

Dinala ng suspek ang biktima sa sementeryo sa Brgy. Banaba, Bamban, Tarlac kung saan siya inabuso at binugbog.

Isinugod ng mga concerned citizen na nakakita sa biktima sa Tarlac Provincial Hospital para magamot.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga tauhan ng Bamban police para sa pagkakakilanlan at pagkakaaresto sa suspek.

AUTHOR PROFILE