Huli

Obrero namasok ng bahay, nanutok ng boga, nahuli

April 20, 2025 Edd Reyes 184 views

ARESTADO ang 43-anyos na obrero matapos pasukin ang bahay at tutukan ng baril ang may-ari nito noong Linggo sa Navotas City.

Base sa report, natutulog pa ang 57-anyos na biktima nang maalimpungatan sa ingay dahil sa pwersahang pagpasok ng suspek na si alyas Randy sa kanyang bahay sa 438 Bausa St., Brgy. BBS kaya nagmamadaling lumabas ng kwarto.

Doon na siya tinutukan ng baril ni alyas Randy at binantaang papatayin kapag nag-ingay kaya tumakbong palabas at humingi ng tulong sa mga tauhan ni Navotas Police chief P/Col. Mario Cortes.

Nadakip ang mga suspek at nakumpiska ng mga operatiba ng Navotas Police Sub-Station 3 mula sa suspek ang hindi lisensyadong 9mm pistol na may pitong bala.

Pinuri ni Northern Police District (NPD) director P/BGen. Josefino Ligan ang mga pulis.

Nahaharap sa mga kasong trespass to dwelling, grave threats, at paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) at BP 881 (Omnibus Election Code) sa Navotas City Prosecutor’s Office ang nahuli.

AUTHOR PROFILE