Rapist

Suspek sa panggagahasa natiklo

April 14, 2025 Edd Reyes 182 views

NAHULI ng mga pulis ang lalaking may kinakaharap na kasong panggagahasa noong Linggo sa Las Piñas City.

Natunton ng mga tauhan ni P/Col. Sandro Jay Tafalla, hepe ng Las Pinas police, ang pinagtataguan ni alyas Prado sa Balikatan St., Brgy. CAA bago mag-alas-12:00 ng tanghali.

Sa ulat kay Southern Police District (SPD) acting director P/BGen. Joseph Arguelles, hindi sumisipot ang suspek sa pagdinig para sa kaso niyang rape na isinampa ng babaeng biktima.

Nakapiit ang akusado sa custodial facility ng Las Piñas police.

AUTHOR PROFILE