Guess

Sikat na young actress binuhusan ng alak ang ’di sikat na aktor

April 14, 2025 Jun Nardo 132 views

HINDI lang sapakan ang isyu sa nakaraang big event involving named stars in showbiz.

May nasagap ang aming source na may nambuhos pa raw ng alak sa isang hindi masyadong sikat na aktor pero ilan taon na rin sa showbiz.

Nakita ng hindi masyadong kilalang aktor ang isang sikat na ring young actress na parte ng isang sikat na loveteam.

Nang makita ni aktor si aktres, sinabihan niya ito ng, ”Hindi maganda ang buhok mo!”

Siyempre, nairita si aktres kaya naman ’yung baso na hawak at may lamang wine, eh, ibinuhos niya sa aktor, huh!

Tameme si aktor at tumakbong patalikod sa aktres na ngitngit na ngitngit sa galit.

AUTHOR PROFILE