
TIKTOK STAR OF THE DAY
HINDI lang pang-reseta ang galing ni Dr. Juvel Ducay, kundi pati sa pagdami ng heart rate ng kanyang followers sa TikTok. Kilala bilang si @dr.juvelducay, siya ang bagong “gamot” na hindi mo aakalain kailangan mo — may tama sa katawan, pero mas malakas ang tama sa isip at damdamin.
Habang ang iba’y nagpe-prescribe ng maintenance, siya naman ang dahilan ng di-mapigilang maintenance ng replay button.
May halong clinical calmness at sensual swag ang galawan ni Doc — parang lecture na nakakakuryente, check-up na nakakakilig. Hindi ka makaka-“next patient please” dito, dahil bawat video ay parang health check para sa libido.
Kaya kung gusto mong masaksihan ang medisinang hindi iniinom pero nakakagising ng diwa, hanapin mo lang si @dr.juvelducay.