
Direktor manghang-mangha sa kagandahan, kaseksihan ni Yassi
UNANG sabak ni Yassi Pressman sa horror movie genre ang “Isolated” ng Viva Films.
Last movie naman niya ang rom-com throwback na “Video City”, kung saan kasama niya si Ruru Madrid, na nakapareha rin niya sa GMA series na “Black Rider.”
“This is my first horror movie. Takot talaga ako kaya nu’ng binabasa ko ang script, nandu’n kasi sa isang public place, sa swimming pool.
“Tapos, may kasama ako at sinasabi ko, ‘Nandiyan na! Nandiyan na!’ Tapos, ‘yung eksena ko pa, eh, sa swimming pool, eh, nandoon kami!
“Nu’ng binabasa ko ang script, pumasok po ako sa character ko. It’s challenging as an actor at challenging as a person and worth the effort, fear na mararamdaman ko,” pahayag ni Yassi, na seksi na, eh, maganda pa kaya maging ang director na si Benedict Mique, manghang-mangha, huh!
“Nagulat ako sa ganda ni Yassi. Pero hindi naman distracting ang ganda niya sa movie. Napansin ko sa horror or thriller, maganda at malakas ang appeal ng bidang babae at nakita ko kay Yassi ‘yun pero naibigay niya ang requirements ng role niya,” rason ni Direk Benedict.
Kasama ni Yassi sa movie ang premyadong aktor na si Joel Torre na sinabing hanggang kaya niyang umarte, eh, gagawin niya dahil mahal niya ang kanyang trabaho.
Sa April 30 na ang showing ng “Isolated.”
IN-ENDORSE NI VICE
LIGAWIN ng party list si Vice Ganda. Sad to say, tinanggihan ni Meme Vice ang mga gustong kumuha sa kanya dahil hindi siya bilib sa pagkatao ng nagsusulong ng mga nasabing grupo.
Pero may isang nagwagi. At ito ay ang Angkasangga Party List.
Ayon kay Vice, nagpasya siyang suportahan ang grupo dahil matagal na niyang kilala ang CEO at nominee nitong si George Royeca.
“Kasi ngayon parang gamitan na lang din ang grupo ng tao na bibitbitin kuno para mas mukha silang relatable, mas mukha silang masa at mayroong kaakibat,” rason ni Vice.
Matagal nang kakilala ni Vice si Royeca, kaisa rin sya sa isinusulong nitong mga programa, kabilang na ang magandang sistema ng Angkas na naipatupad na sa maraming lugar sa Pilipinas.
Isa sa mga plano nito na suportado ni Vice ang pagkilala sa informal workers bilang importanteng kasangkapan ng ekonomiya ng bansa.
Nais din ni Vice na suportahan ni Royeca ang SOGIE bill kaoag nakaupo na sa Kongreso na kaalyado rin ang LGBTQIA+.
Naku, malakas ang dating ng Angkasangga Party List with Vice Ganda as its endorser, huh!