Regine

Regine ‘nag-emote’ sa pangangabog ni Heart

April 8, 2025 Vinia Vivar 146 views

Na-excite si Regine Velasquez na makitang muli si Heart Evangelista pagkatapos ng mahabang panahon kaya naman napa-throwback siyang bigla.

Nagkita’t nagkasama sina Heart at Regine sa katatapos lamang na ABS-CBN Ball.

Yes, may cross over ngang naganap sa ball dahil inimbitahan din ng ABS-CBN ang mga taga-kabilang bakod kabila na ang executives nito. At isa nga sa Kapuso stars na dumalo ay si Heart.

Nag-post si Regine sa kanyang Instagram account ng lumang photo nila ni Heart noong panahong nasa GMA pa siya.

Aliw ang caption ng Asia’s Songbird. Aniya, “So nag celebrate ako ng birthday ko sa talk show namin sa GMA syempre nag prepare ako no! Feeling ko ang ganda ganda ko panaman tapos dumating si @iamheartealam mo yung kinusweschon ko yung sakili ko magada nga ba ako today? Ito si Heart minsan din eh.”

Mensahe pa ni Regine kay Heart, “I’m so happy to see you at the ABS party.”

AUTHOR PROFILE