Lubao

6 drug suspek arestado sa Lubao

April 7, 2025 Bernard Galang 101 views

LUBAO, PAMPANGA–Inaresto noong Linggo ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Pampanga ang anim na drug suspek at nakumpiska ang humigit-kumulang na P68,000 na halaga ng shabu sa Brgy. Lourdes.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas Rick, 45; Anak, 41; Jack, 34; Tin, 18; Rey, 18, at Ai Ai, 38.

Narekober ng mga operatiba ang apat na sachets na may lamang shabu na nagkakahalaga ng P68,000, iba’t-ibang drug paraphernalia at buy-bust money.

Isinagawa ang operasyon ng PDEA-Pampanga, PDEA-3 Special Enforcement Team, PDEA-Aurora at PNP Provincial Drug Enforcement Unit.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs of 2002 ang lahat ng suspek.

AUTHOR PROFILE