
ABSolutely hottie
“YEAH! Give them BODY.”
Isa nga lang ‘yan sa mga hirit ng netizens sa aktres na si Arci Muñoz matapos nilang masilayan ang katawan nito sa social media.
Nanlambot nga ang kanyang social media followers sa matigas-tigas at nag-aapoy na toned body na kanyang ibinandera sa Instagram.
Ilang larawan nga ang ibinahagi ni Arci mula sa kanyang naging bakasyon sa isang resort sa Batangas.
Nabuhayan ang male fans ni Arci na parang nakainom ng kape sa pa-pandesal ng aktres.
Mala-siling labuyo ang anghang na patakam ni Arci sa mga kalalakihan. Talagang pagpapawisan sila sa bawat sulok ng kanyang wangkata habang suot nito ang two-piece bikini.
Dahil nananapak ang abs at sex appeal ng model-actress, binubugbog tuloy ang kanyang post ng mga papuri sa comment section. Pinaulanan ng netizens ng puso at fire emojis ang larawan ni Arci.
“Body goals!” hirit pa ng isang netizen.