Jodi

Jodi kahanga-hanga bilang tao, di katulad ng ibang artista

April 2, 2025 Aster Amoyo 212 views

Jodi1Jodi2MULING humarap ang mahusay na actress na si Jodi Sta. Maria sa entertainment media and vloggers nung nakaraang Lunes ng hapon, March 31 para sa grand presscon ng kanyang upcoming horror movie, “Untold” na pinamahalaan ng award-winning director na si Derick Cabrido under Regal Entertainment.

Walang alinlangan na isa si Jodi sa pinaka-busy (if not the busiest) sa mga stars ng ABS-CBN dahil sa kanyang kabi-kabilang mga proyekto.

Napaaga ang presscon ng pelikula dahil paalis ito patungong Japan where she’s filming a new movie project. Sariwa pa rin sa mga televiewers ang kanyang recently-concluded hit primetime series, ang “Lavender Fields” kung saan muli niyang ipinamalas ang kanyang husay sa pag-arte.

Ang kasikatan at pagiging mahusay na actress ni Jodi ay hinubog ng maraming taon. It took her 14 years bago siya nabigyan ng magandang break bilang lead star nung 2012 sa pamamagitan ng morning TV series na “Be Careful with My Heart” kung saan din nabigyan ng lead role ang actor na si Richard Yap. Sa nasabi ring serye rin napansin si Janella Salvador maging ang young actor na si Jerome Ponce.

Magmula sa “Be Careful with My Heart” ay naging sunud-sunod na ang magagandang TV series at pelikula ni Jodi na siyang nag-cement sa kanyang pangalan at pagiging isang mahusay na actress.

Ang maganda pa sa aktres, sa kabila ng kanyang pagiging busy at in-demand actress ay nakuha pa rin nitong isingit ang kanyang pag-aaral hanggang sa ito’y kanyang natapos. Katunayan, she’s even taking her master’s degree now.

Sa kabila ng kanyang busy sched, hindi rin niya kinakalimutan ang kanyang pagiging hands-on mom sa kanyang teen-age son and travel buddy na si Thirdy (sa kanyang ex-husband na si Pampi Lacson).

Jodi married young. Nagpakasal sila ng kanyang ex-husband na si Pampi Lacson (son of former Sen. Panfilo Lacson, Sr.) sa Las Vegas, Nevada on Easter Sunday nung 2005 pero ito’y nauwi sa kanilang maagang paghihiwalay nung March 2011. Na-annul lamang ang kanilang kasal nung isang taon (2024) after 13 years of waiting.

Gayunman, nanatili ang kanilang pagiging magkaibigan because of their son, Thirdy. Katunayan, close rin kay Jodi at kay Thirdy ang present partner ng kanyang ex-husband, ang dating aktres na si Iwa Moto at sa kanilang dalawang anak. Blended family mang maituturing, lahat sila ay masaya sa kanilang modern set-up.

Just like her mother, Mercedita, she and her elder brother were raised by their single mom.

Keith hands-on tulad ng lolang si Mother LIly

SAMANTALA, nakipag-alyansa ang Regal Entertainment with ABS-CBN and TFC for the release ng pelikulang ‘Untold’ sa iba’t ibang bansa. Ang balitang ito was shared by the late Regal matriarch na si Mother Lily’s eldest grandson na si Atty. Keith Monteverde Teo.

Keith who is the Executive Vice President (EVP) of Regal Entertainment is helping his mom, Roselle Monteverde (president-CEO) in running the 62-year-old film company na itinatag at iniwan ng kanyang grandmother na si Mother Lily.

Just like his late grandmother and his mother, very hands-on umano si Keith sa pagpapatakbo ng kumpanya.

Fans umaasang hindi iiwanan ni Paulo si Kim

KimpauKimpau1ALTHOUGH walang pag-amin na nagmumula sa tambalang KimPau nina Kim Chiu at Paulo Avelino tungkol sa estado ng kanilang relasyon, marami ang naniniwala (including this writer) na may espesyal nang ugnayan ang dalawa na na-develop sa kanilang sunud-sunod na proyekto – from “Linlang” to “What’s Wrong with Secretary Kim” at ngayon sa kanilang first movie together, ang “My Love Will Make You Disappear” na movie directorial debut ni Chad Vidanes under Star Cinema.

Umaasa ang KimPau fans na sana’y for good na umano ang relasyon ng dalawa dahil kilala ang actor na si Paulo na hindi nagtatagal ang pakikipag-relasyon nito sa babae. Nariyan ang New York-based actress na si LJ Reyes (kung kanino siya may isang teen-age son na si Aki), si KC Concepcion, ang Fil-Aussie model na si Jodie Tarasek at ang pinakahuli, ang Kapamilya singer-actress na si Janine Gutierrez na ang nobyo ngayon ay ang hiwalay na sa asawa, ang singer-actor na si Jericho Rosales.

Si Kim naman ay galing sa kanyang 12-year relationship with her ex-boyfriend, ang singer, actor, director and producer na si Xian Lim na may ibang karelasyon ngayon na si Iris Lee. Pero klinaro ng singer-actor na nagsimula lamang silang lumabas ni Iris nung hiwalay na umano sila ni Kim.

Maganda ang chemisty nina Kim at Paulo na sana’y mauwi rin sa kanilang magandang relasyon sa tunay na buhay.

Kasalukuyang nasa Amerika sina Kim at Paulo para sa extension ng ng promo ng kanilang first movie together na palabas din sa ibang bansa.

Chanda naging runaway as a teenager

RomeroRomero1MAHIGIT limang dekada na sa kanyang acting career ang award-winning Cebuana actress na si Chanda Romero na nagsimula sa showbiz nung Martial Law year, 1972.

Hindi ikinakaila ng veteran actress (na napapanood ngayon sa FPJ’s “Batang Quiapo” ) na nag-rebelde umano siya bilang teen-ager nang magkahiwalay ang kanyang parents.

Kahit nag-aaral siya noon sa isang exclusive school for girls in Cebu, naglayas umano siya sa kanila na may P50 pesos lamang na baon. Sumama umano siya sa isang kaibigan patungong Maynila at dito na nag-iba ang takbo ng kanyang buhay.

She was in her teens nang siya’y ipakilala sa Tagalog Ilang-Ilang Productions’ producer, the late Atty. Espiridion Laxa kung saan nagsimula ang kanyang showbiz career bilang teen-ager. First movie niya ang “Ang Kundoktora” na pinagbidahan ng Star for All Seasons at politician na si Vilma Santos and the rest ay history nang maituturing.

Naranasan din noon ni Chanda magpa-seksi sa kanyang mga pelikula and she considers her film “Ang Mananayaw” her most memorable film ever dahil bukod sa ito’y pinamahalaan ng yumaong megman na si Lino Brocka, siya ang bida ng pelikula and one of her best films na nagawa.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster-amoyo.

AUTHOR PROFILE