Male

All-male group todo-hataw, giling, birit at kaldag sa 1st anniversary concert

April 1, 2025 Vinia Vivar 486 views

Winner ang first anniversary concert last Sunday (March 30) ng all-male group na Magic Voyz na mina-manage ng Viva Records at ni Lito de Guzman.

Sold out ang concert at punong-puno ang Viva Café, venue ng show.

Halatang pinaghandaan ng grupo ang pagdiriwang ng kanilang unang anibersaryo dahil napakarami nilang inihandang performance para sa fans.

Bigay na bigay ang paghataw, paggiling, pagbirit at pagkaldag ng walong miyembro na sina Jhon Mark Marcia, Mhack Morales, Rave Obado, Jace Ramos, Ian Briones, Johan Shane (composer ng grupo), Asher Bobis at ang pinakabago sa grupo, si Jorge Guda.

Talaga namang tilian ang fans na enjoy na enjoy sa kanilang performance.

Sobrang happy ng grupo na nakaisang taon na sila at kahit nga marami silang struggles na dinaanan ay worth it lahat.

“Sobrang saya, maraming struggle na nangyari. Hindi ma-explain. May mga nagkasakit, napaos sa kakakanta. Pero nakaya naman at naitawid namin,” sey ng grupo nang makapanayam ng press after the concert.

“Marami ring ginawang preparations sa first anniversary concert. Dito namin ibinuhos ‘yung full-pack performance talaga namin.

“Kailangan din na upgraded ang Magic Voyz sa anniversary namin at nakatutuwa at nakaka-overwhelm na one year na ang Magic Voyz,” sey ni Johan.

Sabi naman ng bagong miyembro na si Jorge, “I’m so grateful and happy to be part of an excellent group, ang Magic Voyz. At looking forward ako sa mas maraming event at shows ng grupo.”

Ibinuking nga ng mga kasamahan na nilagnat pa si Jorge sa first day ng kanilang training.

Pero sey ng newbie, sulit lahat ng pagod at hirap sa training.

“Sobrang blessed and at the same time sobrang saya at sobrang worth it lahat ng sacrifices ng bawat isa. Bawat training, sobrang grateful na nakasama ako sa grupong ito,” aniya.

Ibinalita rin ng grupo na sa mga susunod na araw, mga bagong kanta naman ang kanilang iparirinig.

“May mga new song na iri-release na hindi lang isa kundi marami na. Kasi hindi lang ako ang nagko-compose ng kanta. Andyan din sina Mhack, Asher, Mark na marurunong na ring mag-compose. Kaya apat na kaming magki-create ng magic para sa Magic Voyz,” sabi ni Johan.

Siyempre, kasama sa bucket list niya ang makapag-perform sa bigger venue.

“Nangangarap kami na makapag-perform sa mas malaking stage at tiyak na mas gagalingan pa namin. Isa iyon sa ipinagdarasal namin na mabigyan ng chance,” anila.

Sobrang proud naman ang manager ng Magic Voyz na si Mother Lito na makita ang unti-unting paglago ng grupo mula nang buuin niya ito.

As a manager, malaking fulfillment na makita mo ang mga alaga mo na nagtatagumpay.

Kaya naman sey niya, lahat ng support ay talagang ibibigay niya at sinabing by June ay sa Music Museum na magtatanghal ang grupo.

Samantala, nakatakda na ring i-release ng Magic Voyz ang bago nilang kanta, ang “Tampo,” sa ilalim pa rin ng Viva Records.

For booking and inquiries, puwedeng kontakin ang Magic Voyz sa 0917-8403522 o sa Viva Artists Agency (VAA).

AUTHOR PROFILE