Roxie Larawan: Roxie Smith/IG

Bandan-ugh

April 1, 2025 People's Tonight 131 views

NAG-AALAB ang social media matapos mag-post si Roxie Smith ng kanyang nakakasilaw na kaseksihan sa isang litratong mapanukso at nakakapanindig-balahibo!

Suot ang isang bandana-style red bikini na bumagay sa kanyang pearl white skin, hindi lang siya nagpainit ng beach vibes kundi pati ng buong internet! Sa kanyang caption na “Not over this heat,” hindi lang init ng panahon ang tinutukoy niya, kundi ang nakakagigil niyang aura na hindi kayang lampasan ng kahit anong summer!

Hindi nagpahuli ang netizens sa reaksyon! “Apakaganda!” sigaw ng isa, habang ang isa naman ay napa-“Apakadyosaaaa!” Pero ang pinaka-wild? “Apakan moko, Miss Ma’am!”

Ang Filipino-Belgian actress na si Roxie ang nakoronahang Miss Philippines Earth 2020, at nag-uwi ng titulong Miss Earth – Water sa parehong taon.

AUTHOR PROFILE