Pamilya Ko Partylist

Mga tulong ng Pamilya Ko Partylist sa Rizal kinilala

March 31, 2025 People's Tonight 162 views

HINDI pa man pumapasok sa isipan ng “Pamilya Ko Partylist” ang sumabak sa larangan ng pulitika ay tumutulong na sila sa mga mamamayan ng Tanay, Rizal bilang isang foundation.

Pinatunayan ito ni Pamilya Ko Rizal chapter head coordinator Rowena Dala nang magbahay-bahay sa kanilang lugar sa Brgy. Sampaloc sina Atty. Anel Diaz ng Pamilya Ko Partylist, kasama ang Team-1 Tanay ni mayoral candidate Engr. Carlos Inofre.

Sinabi ni Dala na sa lalawigan ng Rizal unang nagkaroon ng orientation ang Pamilya Ko Partylist (PKP) kaya’t tiwala at naniniwala silang mga miyembro ng LOVABLES na malaki ang maitutulong nito sa taumbayan, lalu na sa mga “non-traditional” na pamilya.

Sa pahayag naman ni Engr. Inofre, nagustuhan niya ang mga magagandang isinusulong na adbokasiya ng PKP kaya dapat lamang na magkaroon sila ng kinatawan sa kongreso.

Ayon naman kay Atty. Diaz, napansin niya sa kanilang mga ginawang pag-iiot ang pangunahing problemang pangkalusugan, gamot, at programang panghanapbuhay. Sakali aniya na palarin silang makaupo sa kongreso, sisikapin niyang mapondohan ng pambansang budget ang benepisyo ng Solo parents.

Hindi aniya tulad ngayon na pinagkakasya na lang ng mga Solo parents kung ano ang kayang ibigay sa kanila ng lokal na pamahalaan.

AUTHOR PROFILE